SEARCH AND RETRIEVAL OPERATIONS SA MASARA LANDSLIDE ITITIGIL NA

INIREKOMENDA na itigil na ang isinasagawang search and retrieval operations sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro base sa assessment ng Incident Management Team, makaraang ilang araw nang walang nakikitang labi sa ilalim ng guho.

Sa kabuuan mula Pebrero 6, umakyat sa 93 ang bilang ng mga bangkay na narekober, 79 dito ay naibigay na sa kani-kanilang pamilya habang sinasabing may walo pa ang nanatiling missing.

Nilinaw naman ng IMT na ang naunang bilang na 98 retrieved bodies ay kabilang ang recovered body parts.

Kaugnay nito, oras na mabigyan ng go signal ng IMT ay tatangkain nang i-clear ng search, rescue, and retrieval teams ang landslide site sa Masara.

Ayon kay Mawab Municipal Information Officer Jiesyl May Tan, sa lalong madaling panahon ay inaasahang matatapos na ang ginagawang operasyon ng mga kinauukulan sa lugar ng landslide.

Ngunit nakadepende pa rin aniya ito sa magiging rekomendasyon ng incident commanders ng Incident Management Team dahil mayroon pa ring walong indibidwal ang nananatiling nawawala.

Pero ayon naman kay Tan, posibleng kabilang na aniya ang walong mga nawawala sa 14unidentified bodies at body parts na kanilang narekober.

Kung ma-aalala, kamakailan lang ay iniulat ng mga awtoridad na pumalo na sa 93 ang bilang ng mga bangkay na kanilang narekober sa landslide site, kabilang 79 na naibalik na sa kani-kanilang pamilya.

(JESSE KABEL RUIZ)

79

Related posts

Leave a Comment