SENATOR IMEE MARCOS NAIS IBALIK ANG NUTRIBUN

NAIS ibalik ni Senator Imee Marcos ang pagbibigay ng libreng nutribun sa mga bata.

Ayon kay Marcos, pagkatapos ng pandemya ay lumawak ang hanay ng mamamayan na mahihirap at nagugutom.

Lalo na aniya ang mga sanggol na zero hanggang tatlong taong gulang at mga buntis.

Makatutulong umano ang tama at masustansyang pagkain para  sa development ng mental health ng mga bata.

Ayon pa sa senador, batay sa datos ng health authorities, umabot sa 30 porsyento ang may below level ng malnutrisyon.

At sa palagay ng senador, makatutulong ang pagbabalik ng pagbibigay ng tinapay na Nutriban sa mga kabataan para sa kanilang health development.

Ginawa ni Senador Marcos ang pahayag sa pagdalo nito sa Buntis Congress sa San Pablo City, Laguna nitong Biyernes.

Ang Nutribun ay proyekto noong 70s at 80s ng Department of Science and Technology (DOST) at Food and Nutrition Research Institute at ipinatupad sa ilalim ng administrasyon ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Layon nito na malabanan ang malnutrition at maging emergency food sa panahon ng mga kalamidad. (NILOU DEL CARMEN)

313

Related posts

Leave a Comment