SHABU NASAMSAM SA 2 SNATCHER

ZAMBALES – Nakumpiskahan ng umano’y shabu ang dalawang lalaki makaraang madakip sa pag-snatch ng cellphone sa isang negosyante sa bayan ng Castillejos noong Huwebes.

Batay sa ulat ng Castillejos Municipal Police Station, noong Pebrero 16, hinablot umano ng isa sa mga suspek ang cellphone ng isang negosyante sa Barangay Magsaysay sa naturang bayan.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na sina Jhon Louie Ferolino y Mades, 33, at Raynald Garcia y Rayno, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Bayan ng Subic.

Nabawi ang isang Samsung cellphone, subalit nang kapkapan ang mga suspek ay nakumpiskahan ang mga ito ng pitong pakete ng umano’y shabu.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong theft at paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JAY-CZAR LA TORRE)

164

Related posts

Leave a Comment