BAGO pa man ang unang araw ng Agosto nang idineklara ng pamahalaan na isa nang terorista si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ay inunahan na nito ang plano ng kanyang mga kalaban kaugnay sa binabalak ng mga ito na ibentang sa kanya ang mga kagulohang nangyayari sa kanilang lalawigan matapos ang pagkabigo ng pamahalaan sa Degamo murder case.
Ayon kay Teves, isang impormasyon umano ang nakarating sa kanyang kaalaman na may planong ituro muli ito bilang lider ng isang muslim extremist group na naghahasik ng kagulohan sa ibat-ibang panig ng bansa upang itoy muling makasuhan at mapatalsik bilang mambabatas hanggang sa itoy sapilitang maaresto.
Pinaniniwalaang ang panggigipit ng pamahalaan kay Teves ay bunga nang mga pinakawalang expose nito sa social media kaugnay sa lumalalang korapsyon sa gobyerno, pagtaas ng bilihin at paglobo ng kriminalidad sa bansa. Matatandaang matapang na isiniwalat ni Teves ang malapit na relasyon ng first family kay Bebot Nolan na nagtago sa ibang bansa noong panahon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa kainitan ng kanyang war on drugs.
Emosyonal na nanawagan si Teves sa kanyang social media account at humingi ng tulong sa sa sambayanang Pilipino na magka isang ilabas ang kanilang damdamin sa totoong sitwasyon ng bansa sa patuloy na paglubog ng ekonomiya kahirapan at pagkonsinte ng administrasyon sa lumalalang kagulohan.
Ikinagulat ng lahat ng opisyal na inanunsyo ng Anti Terrorism Council (ATC) na isa nang terorista ang kongresista dahil sa kaugnayan umano nito sa Maute Group at iba pang muslim extremist na tinawag nilang “Teves terrorist group” dahil daw sa pagpapalaganap ng takot sa Negros Oriental kayat para sa pamahalaan ito umano ay isang terrorism act.
Ang mga nadakip na gunman na suspek sa pagpatay kay Governor Degamo at siyam na iba pa ay naunang ikinanta ang pangalan ni Teves ngunit sa kalaunan ay binawi ito at sinabing sila ay tinakot at pinahirapan lamang ng awtoridad upang ituro ang kongresista bilang mastermind sa Pamplona massacre noong March 4.
Humingi rin ng tulong si Teves kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Gloria Arroyo at maging kay Baguio City Mayor Benjie Magalong na nag iimbestiga sa lumalalang korapsyon sa bansa at muling pagkalat muli sa kalsada ng iligal na droga. (SAKSI NEWS TEAM)
349