TIRADOR NG PANABONG NA MANOK NG PULIS TIKLO

CAVITE – Arestado ang isang 29-anyos na magsasaka matapos na ibenta ang isang nakaw na sasabunging manok sa kaibigan ng may-ari nito na isang police officer, sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Norberto Barcenas y Bombit, residente ng Brgy. Caluangan, Magallanes, Cavite dahil sa reklamo ni Corporal Edilardo Vicedo, isa ring barangay councilor, ng Poblacion 3, Magallanes, Cavite.

Ayon sa ulat, inalok umano ng suspek sa isang lalaki na kaibigan ng pulis, ang isang sasabunging manok sa halagang P15,000.

Ngunit lingid sa kaalaman ng suspek, nakilala ng kaibigan ni Vicedo ang sasabungin manok kaya tinawagan ang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Sitio Lobo, Barangay Caluangan, Magallanes, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

158

Related posts

Leave a Comment