TURKISH NATIONAL TIMBOG SA LIQUID COCAINE

ARESTADO ang 48-anyos na Turkish national matapos maharang ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) dahil sa pagbibitbit ng hinihinalang cocaine.

Sa impormasyon mula kay NAIA-IADITG deputy task group commander Gerald Javier, nakumpiska sa suspek na si Kemal Ozenir ang tinatayang tatlong kilo ng hinihinalang cocaine.

Bukod dito, may nakuha rin sa suspek na tinatayang 1.5 litro ng hinihinalang liquid cocaine na nakalagay sa botelya ng shampoo.

Si Ozenir ay galing Dubai at nasabat ng mga operatiba sa NAIA Terminal 3, Martes ng hapon .

75

Related posts

Leave a Comment