VACCINATION FOR MINORS IKAKASA NA NATIONWIDE

0

MAAARI nang isagawa sa iba’t ibang panig ng bansa simula sa Oktubre 29 ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, kasunod ito ng matagumpay na pilot rollout sa National Capital Region noong Oktubre 15 at 22 para sa 12-17 age group na may comorbidities.

Umaasa si Galvez na mas marami pang kabataan ang magpapabakuna sa susunod na linggo.

Naghahanda na rin ang mga lokal na pamahalaan at mga ospital para sa naturang programa.

Samantala, tiwala ang Malakanyang na mas magiging mabilis na ang pagbabakuna sa mga kabataan dahil sa patuloy na pagdating ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kanyang Facebook post, winelcome ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagdating ng 1,014,390 doses na Pfizer vaccine na binili ng bansa.

Ani Sec. Roque, ang biniling karagdagang bakuna ay makatutulong upang mas mapalakas pa ang vaccination drive ng gobyerno.

“Ito ay para mas mapabilis ang pagbabakuna sa ating mga kabataan ,” ani Sec. Roque.

Ang Maynila ay nakatanggap na ng 813,150 doses ng 1,014,390 Pfizer vaccine doses na binili ng gobyerno.

Ang Cebu at Davao, ay makakakuha naman ng 100,620 Pfizer doses bawat isa.

Inulit naman ni Sec. Roque ang panawagan nito sa publiko na protektahan ang sarili laban sa COVID-19.

“Halina’t magpabakuna,” ang paghikayat ni Sec. Roque sabay sabing “good news” aniya ang pagdating ng mas maraming COVID-19 vaccines sa bansa.

Pinalawig na ng Pilipinas ang vaccination rollout nito sa mga menor de edad.

May kabuuang 1,153 individuals na may edad 18 pababa ang nabakunahan sa panahon ng pilot pediatric vaccination na isinagawa sa 8 ospital sa Kalakhang Maynila noong Oktubre 15. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment