NO. 2 MOST WANTED RAPE SUSPECT NALAMBAT NG PNP-PRO5

NALAGLAG sa mga operatiba ng PNP Police Regional Office 5 ang ikalawa sa listahan ng most wanted persons ng Masbate City na sangkot sa kasong panggagahasa.

Kinilala ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo ang nadakip na suspek na si Amadeo Gicoli y Sumalinog, 32, binata, jobless, ng Brgy. Nasunduan, Mobo, Masbate.

Si Gicoli ay nasakote sa isinagawang manhunt operation nang pinagsanib ng pwersa ng Masbate City Police Office at Mobo Municipal Station dakong alas-9:00 ng gabi noong nakalipas na linggo sa Barlet St., Brgy. Ibingay, Masbate City.

Armado ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Ave A. Zurbito-Alba, presiding judge ng RTC Branch 48, Masbate City noong May 7, 2021 dahil sa kasong sa paglabag sa RPC Art. 266-A o rape, isinagawa ng mga tauhan ni P/BGen. Estomo ang law enforcement operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (JESSE KABEL)

163

Related posts

Leave a Comment