NOGRALES: 3M TRABAHO SA PINOY KAYA NG ADMIN

NANINIWALA si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na maaabot ng administrasyong Marcos ang layuning makalikha ng tatlong milyong trabaho hanggang 2028.

“I believe that the target of 3 million by the end of Pres. Marcos’ term is achievable. Kami sa Kamara ay patuloy na makikipagtulungan sa administrasyon para mapatotoo ang adhikaing ito at nang mas marami pa sa kababayan natin ang magkaroon ng marangal na pamumuhay,” ani Nograles.

Makikita aniya sa pagtaas ng bilang ng may trabaho na kayang maabot ang target ng administrasyong Marcos.

Kaugnay nito, umapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.

Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang 10-year roadmap na magsisilbi bilang national guide tungo sa ‘greater employment generation and recovery.’

“In line with our priorities, and the outcomes that we desire, and strategies stated in the Philippine Development Plan, the Philippine Labor and Employment Plan, the Strategic Investment

Priority Plan, and the Workforce Development Plan, the TPB Plan will be one of the driving forces to help create at least three million new jobs by the year 2028,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na bukod sa makalilikha ng trabaho, target din ng pamahalaan na makalikha ng “quality jobs, with special emphasis on ensuring workers’ welfare, empowerment, competitiveness, and security in all sectors of our labor sector.”(CHRISTIAN DALE)

217

Related posts

Leave a Comment