NOLCOM FRONTLINERS PINAGHAHANDA SAKALING SUMIKLAB GULO SA TAIWAN

NGAYON pa lamang ay inatasan na ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga sundalo partikular ang mga kasapi ng AFP Northern Luzon Command, na maghanda sa posibleng mangyayari kabilang ang posibilidad na pagsiklab ng kaguluhan sa Taiwan.

Sa pagdalo ni Gen. Brawner bilang panauhing pandangal sa ika-38 anibersaryo ng NOLCOM Camp Servillano Aquino sa Tarlac City, inihayag nitong isa sa magiging frontliner ng hukbong sandatahan ang Northern Luzon Command sakaling sumiklab ang kaguluhan sa Taiwan.

“NOLCOM is our frontliner here in the Northern hemisphere. As I, as we saw a while ago in their shift to territorial defense, they have gone a long, long way already,” ani Brawner.

“But let me give you this challenge, this further challenge: Do not be content with securing just the Northern hemisphere up to Mavulis Island. Start planning for actions in case there is an invasion of Taiwan,” ayon sa heneral.

Tiyak umanong masasangkot ang AFP dahil kakailanganin nilang iligtas ang 250,000 OFWs na nagtatrabaho sa Taiwan. “It will be the task of the NOLCOM to be at the frontline of that operation.”

Bukod sa Taiwan, nabanggit din ang panghihimasok ng China sa iba’t ibang larangan o sangay ng lipunan.

“But the next conflict, the big conflict that we will be experiencing, will not be against our own people. So, we have to prepare for that ano, and when I talk about warfare, we are already, we are already at war.

I am not referring to the kinetic warfare that we see between Ukraine and Russia or between Israel and Hamas. But we are experiencing already cyber warfare, information warfare, cognitive warfare, and political warfare.

The communist China is already conducting united front works in our country ano. So dapat aware tayo, tayo mga sundalo, aware tayo ano. Hindi po kathang isip ‘yun na pinapasukan na nila. They’re already infiltrating our institutions, our schools, our businesses, our churches, even our ranks in the military ano. So kailangan nating magmatyag,” dagdag pa ni Gen. Brawner.

(JESSE KABEL RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment