MASAYA si Teri Onor para sa kaibigang si Vice Ganda, na napapabalitang karelasyon ngayon si Ion “Kuya Escort” Perez.
“Kahit naman sino, basta tinanggap kami, hindi ikinahiya, dapat na maging masaya tayo, support na lang tayo. Ibigay na natin kay Nanay Vice. Ilang taon niya tayong pinapasaya. Para siya naman ang lumigaya ngayon.”
Ang hangad daw niya ay mag-enjoy lang si Vice ngayon.
“Enjoy lang, kapatid. Kung ano ang kaligayahan na tinatamasa mo ngayon sa feeling ng taong mahal mo, enjoy-in mo lang. Huwag mong intindihin ang sinasabi ng iba. Ang importante, kayong dalawa, masaya.
“Kasi, sa isang relasyon katulad sa amin, ang sumisira lang talaga yung mga tao sa paligid.
“So, bakit mo sila iintindihin?”
Balik-showbiz si Teri; may sarili na siyang production company, ang T.O.E.S. (Teri Onor Entertainment Services).
Ipinag-produce niya ng concert ang matalik na kaibigang si Anton Diva, ang Anton Diva: Shine XXII A.D., na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa June 15 kung saan guests sina Vice Ganda at Regine Velasquez.
###
Nabiktima na si Martin del Rosario ng fake news!
Tungkol ito sa sexual encounter diumano nila ni Kiko Matos, ang leading man ni Martin sa launching movie niyang Born Beautiful.
Ang tsika ay tinotohanan diumano nila ni Kiko sa ibang lugar ang kanilang intimate love scene sa pelikula.
“Na-shock ako, grabe! Hindi raw ako makapunta sa taping dahil masakit daw yung puwet ko,” reaksyon ni Martin nang mapag-usapan namin ito noong isang araw.
“Sinasabi ko raw kay Direk Perci [Intalan], ‘Direk Perci, ayoko munang mag-shoot kasi masakit po yung puwet ko.’
“Hindi naman ako naapektuhan, natawa lang ako.
“Yung pagkabasa ko sa blind item, parang ako nga yung tinutukoy.
“Hindi ko alam kung bakit lumabas. Ang wild ng isyu.”
Kung totoo naman ang isyu, aaminin ba ni Martin?
“Saka makikita niyo na hindi ako makakalakad,” mabilis na sagot ni Martin.
Samantala, hindi fake news ang kumalat na nude photo ni Martin; inamin niyang siya talaga ang nasa larawan na kumalat dati.
“Inaamin ko naman po, ako naman talaga.”
Tinanong si Martin ng kanyang pamilya kung sino ang photographer at ang nagkalat ng kanyang nude photo.
“Pero kasi hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung kailan. Nasa banyo ako, eh. Hindi ko alam kung bagong ligo ba ako. Feeling ko, stolen yun.”
Ipapalabas sa June 26 ang Because I Love You kasama si Martin. Bida rito sina David Licauco at Shaira Diaz. Sa direksyon ito ni Joel Lamangan.
