OBIENA GOLD SA ITALY

MULA sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, tumalon din ng gold medal si pole vaulter EJ Obiena sa European City of Sports sa Italy.

Nakapagposte siya ng 5.85-­meter performance sa harap ng Basilica di Santa Maria di Collemaggio sa L’Aquila, 0.39m mas higit sa kanyang SEA Games gold record na 5.46m noong Mayo 14 sa Vietnam.

Gayunpaman, 0.08 metro itong mas mababa sa kanyang 5.93m Asean record na naitala sa Innsbruck, Austria.

Sa kanyang Facebook post ay ipinahayag ni Obiena ang kanyang kagalakan sa pinakabagong achievement sa kanyang isport.

Aniya, “hindi araw-araw na nakakakuha tayo ng pagtalon sa mga magagandang lugar.” (ANN ENCARNACION)

278

Related posts

Leave a Comment