BAHAGYANG tumaas ang gumagamit ng ICU beds sa gitna ng patuloy na ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga kaso ng COVID 19.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque bunsod na rin ng mas maraming senior citizens, may comorbidities at iba pang mga susceptible individuals ang na-confine sa ICU.
Ani Sec. Roque, kung dati-rati ay lampas na sa 50% ang available na kama sa ICU, ito aniya’y bumaba ng kaunti sa 47 porsiyento.
Kaya panawagan ng Malakanyang lalo na sa mga nasa hanay ng vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, mga may sakit at mga buntis, manatili na lang sa tahanan dahil sila ang prone na napupunta sa ICU.
Sa kabilang dako, tinatayang nasa 59% ang available na isolation beds, 70% naman ang availablity para sa ward beds habang mataas naman ang porsiyento ng availability para sa ventilators na nasa 78%. (CHRISTIAN DALE)
273
