ANG HOUSE BILL 8898 NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG

ILANG linggo nang sunod-sunod ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Matinding dagok ito para sa mga motorista at mamamayan.

Kapag nagkaroon kasi ng oil price hike, nagkakaroon din ng domino effect.

Ibig sabihin, pati ang iba pang mga pangunahing bilihin ay tumataas din ang presyo.

Ngunit malaking bagay na may mga mambabatas tayo na humahanap ng solusyon upang maibsan ang pasanin ng mamamayan.

Tulad na lamang ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-List Representative Erwin Tulfo na naghain ng House Bill 8898.

Sinasabing layon nitong tuluyang ibasura ang Downstream Oil Industry Deregulation Act.

Nais din ni Tulfo na ibalik sa gobyerno ang price control para sa fuel pump prices.

“While the intent of the Oil Deregulation Law is sound, it is not successful in lowering fuel prices and checking the unilateral move of the oil prices to dictate the price of oil. It is in this regard that this bill seeks to repeal Republic Act 8479 or the Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 to reestablish government price control of fuel pump prices and address the negative impact of frequent and abrupt fuel price changes on consumers,” saad sa panukala.

Sa kanyang privilege speech, una nang sinabi ng kongresista na nalinlang ng batas ang taumbayan.

Ito’y dahil noong una raw ay napaniwala ang mga tao na mapapababa ang presyo ng produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis kapag hindi na gobyerno ang nagpepresyo.

Sa ilalim ng bill, itatatag ang Budget ng Bayan para sa Murang Petrolyo (BBMP) sa ilalim ng Office of the President (OP).

Aba’y maganda ito dahil ito raw ang magpapatatag sa presyo ng petrolyo kung kinakailangan at huhugutin ang pambayad sa dagdag-presyo upang hindi na papasanin ng publiko.

Tinatayang P10-bilyon ang ilalaan sa BBMP na manggagaling sa sobrang kita mula sa ad valorem tax at/o import duties ng crude oil at finished petroleum products; incremental dividends at receipts sa government corporations at savings ng national government.

“That the BBMP shall be used to reimburse the oil companies for: (a) cost increases of imported crude oil and finished petroleum products resulting from foreign exchange rate adjustments and/ or increases in world market prices of crude oil, (b) cost under recovery incurred as a result of fuel oil sales to the National Power Corporation (NPC), and (c) other cost under recoveries incurred as may be finally decided by the Supreme court…” ayon pa sa House Bill 8899.

Habang isinusulat ang kolum na ito, nasa P0.30 hanggang P0.70 na ang taas-presyo ng mga kompanya ng langis sa kada litro ng gasolina at diesel.

Nawa’y makalusot ang bill na ito ni Cong. Erwin Tulfo.

Mabuhay po kayo at God bless!

 

390

Related posts

Leave a Comment