MULTI-MARITIME PATROL POSIBLE SA WEST PHILIPPINE SEA

SA gitna ng sigalot sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS), nakikini-kinita ng Department of National Defense (DND) ang pagsasakatuparan ng joint or separate undertaking sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, United States, Japan at Australia.

Sa ginanap closing ceremony ng inaugural exercise ALON 2023, ang kauna-unahang bilateral amphibious exercise sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force sa Tejeros Hall, AFP Officers Club sa Camp Aguinaldo kahapon ay inihayag ni Defense Undersecretary Ireneo Espino ang posibilidad ng pagkakaroon ng multilateral naval patrol sa WPS.

“We are, of course, anticipating the conduct of joint maritime patrols with Australia in areas of common interest, together with other like-minded partners such as Japan and the United States.

Una rito, nilinaw ni AFP of staff Lt. Gen. Romeo Brawner na hindi pinagtutulungan ng Pilipinas, US, Japan at Australia ang China sa gitna ng joint naval drills ng nasabing mga bansa sa pinagtatalunang karagatan.

Nilinaw ng heneral na mayroong sariling interes ang mga nasabing bansa at kapag nagsama-sama aniya ang mga ito na magkakatulad ng pag-iisip ay mas maraming makakamit.

(JESSE KABEL RUIZ)

211

Related posts

Leave a Comment