ANG PAMILYA

 AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

ANG isang pamilya ay binubuo ng ina, ama at kanilang mga anak. Ang pagbuo ng pamilya ay kahalintulad ng pagbuo ng isang kaharian na ang ama ang tumatayong hari, si ina naman ang siyang reyna.

Nagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ganoon din ng kaharian kung nagtutulungan ang mag-asawa o ang hari at ang reyna na may kasaman Panalanging sa Ama.

Si Tatay ang tumatayong haligi at si Nanay naman ang ilaw ng tahanan. Kadalasan si Nanay ang disciplinarian, si Tatay naman ang naghahanap ng kabuhayan para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na para sa pag-aaral ng kanilang mga anak, ika nga ay good provider si Tatay.

Kung nagtutulungan at nagkakasundo ang ina at ama ay nagiging maayos ang kanilang tahanan kung saan dito kumukuha ng lakas ang kanilang mga anak.

Dito rin nagsisimulang tumatag ang pundasyon ng kanilang pamilya na kahit anomang pagsubok sa kanilang buhay ay nalalagpasan nila .

Mas lalong nagiging matibay ang pundasyon kung nasa kanila ang Panginoon. Kahit na sobrang dami ng pera ng isang pamilya kung wala sa kanila ang Panginoon ay hindi lubos ang kanilang kasiyahan.

Kadalasan pa ang nagiging sanhi ng pagkawasak ng isang pamilya ay ang kayamanan. Minsan nakalilimutan din nating mga magulang, na lagi na lang tayo nagtatrabaho o nagnenegosyo para sa ating pamilya subalit hindi natin na-aalala na kailangan din nating makipag-bonding sa ating asawa at mga anak.

Sa ganitong pamamaraan ay lalo nating napalalakas at napapatatag ang ating kaharian dahil lahat ng mga desisyon ay napagkakasunduan ng mga miyembro ng pamilya.

Pinakamahalaga rin sa isang pamilya na ang papel ng mga anak, ina at ama ay alam ng bawat isa. Kung nahubog nang maayos ang isang pamilya ay walang problema ang pamahalaan, sapagkat siguradong lahat ng mga miyembro nito ay disiplinado.

Kadalasan sa mga pasaway na kabataan na nasasangkot sa iba’t ibang krimen ay nagmula sa broken family. May mga anak din na nagmula sa broken family ang nagtatagumpay rin sa buhay, subalit mas malaking porsyento sa kanila ang napapariwara ang buhay.

Kaya kung gusto nating maging maayos ang ating pamilya, magsakripisyo tayong mga magulang, sa atin magmula ang disiplina, para tayo ang maging modelo ng ating mga anak.

Ang lahat ng mga ito ay hindi imposible kung sasamahan natin ng paniniwala at panalangin sa Panginoon.

oOo

Samantala, binabati naman natin ang naganap na 1StGMM ng taong 2024 ng Valenzuela Finest Eagle Club nitong nakaraang Sabado, sa pamumuno ni Kuya President Jon Dela Pena, na nasa ilalim ng CLR 61 sa pangunguna Gov. Alex Daniel, isang aktibong Police Colonel at kasalukuyang pinamumunuan ang Dugong Agila sa National.

Kabilang din sa mga dumalo mula sa nasabing region bilang bisita o observer sa nasabing pagtitipon, ay sina Kuya VGov Rowel Hwuavas, Kuya Assemblyman Jeff Nagar, Kuya Board Mohammad Mayo, Kuya Regional Secretary Michael Matrimonio.

144

Related posts

Leave a Comment