ANG SIPSIP NA SI HARRY ROQUE

BISTADOR Ni RUDY SIM

SA kabila ng pananahimik ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ay hindi pa rin ito tinatantanan ng ilang mga talunang politiko na tila nagpaparamdam sa kasalukuyang administrasyon na magkaroon ng puwesto sa pamahalaan pagkatapos ng isang taon.

Imbes na ilatag ng talunang senatorial candidate at dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Harry Roque, ang kanyang qualifications kung ito man ay nag-aasam na makasungkit muli ng posisyon sa gobyerno, ay tila napaghahalata itong sumasawsaw na naman sa isyung may kinalaman sa pambabatikos ng netizens kay First Lady Liza Araneta Marcos.

Matatandaang isa si Roque sa mga inampon noong nakaraang halalan ng BBM team na makasama sa kanilang ticket ngunit hindi ito pinalad na pumasok sa magic 12 kahit na laking hirap itong nag-effort sa political rallies na humataw sa stage kasama ng mga gwapitong back-up dancers nito na mga fafa… Oh ‘di ba!

Bueno, Mr. Roque, ano naman ang kinalaman ng netizens na bumabatikos kay FL Marcos upang ikonekta mo kay Atty. Vic Rodriguez? Isa kang magaling na abogado mula sa UP College of Law ngunit tila hindi mo gaano pinag-isipan bago mo kaladkarin ang pangalan ng dating opisyal para lamang magpapansin sa Pangulo o kaya ay sa asawa nito.

Ang higit 31 million votes na nakuha ni PBBM sa nagdaang halalan na lumampaso sa mga katunggali nito sa eleksyon, ay malinaw na nagtiwala at nagmahal kay BBM na naniniwalang tutuparin ang kanyang mga naipangako upang makaahon ang bansa sa kahirapan mula ng pandemya.

Hindi mo maaaring sisihin ang netizens, Mr. Roque, na maglabas ng kanilang opinyon base na rin sa kanilang obserbasyon sa bawat kilos ng Malacañang. Ang maling impormasyon ay hindi dapat gamiting rason upang manira ng isang katauhan sa pangalan ni Atty. Vic Rodriguez na sinagot naman ang mga isyung ipinukol sa kanya bago pa man ito nagbitiw sa puwesto.

Noong nasa kapangyarihan pa si Atty. Rodriguez ay isinisisi sa kanya ng ilan na umano’y hinaharang nito ang appointment ng ilang kandidatong nag-aasam ng puwesto sa pamahalaan ngunit ang trabaho lamang nito ay busisiin kung qualified sa puwesto ang isang aplikante at tanging si PBBM lamang ang may kapangyarihan na mag-appoint.

Bakit noong nawala na ba si Atty. Vic sa Malacañang ay nakumpleto na bang mapunan ang mga bakanteng puwesto sa mga ahensya ng pamahalaan? Muli, Mr. Roque, ang ibinoto ng mga tao ay si BBM at hindi si Liza Araneta Marcos.

***

Samantala, ating pinasasalamatan ang dalawang kagawad sa Lungsod ng Maynila na sina Carlito Esguerra ng Barangay 327, Zone 33, at Kagawad Grace ng Brgy. 374, Zone 38 sa kanilang pagtulong sa mga kapos-palad na pasyente sa San Lazaro Hospital. Mabuhay po kayo!

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

 

200

Related posts

Leave a Comment