INVESTMENT SCAMS NAGLIPANA SA SOCIAL NETWORKING SITES

RAPIDO NI TULFO

DAGSANG mga reklamo ang natatanggap namin mula sa mga biktima ng iba’t ibang investment scam na nakita umano nila sa social networking sites tulad ng Facebook at YouTube.

Karamihan sa mga ito ay nag-aalok ng nasa 100-500% na kita ng inyong ilalagak na pera.

Sa umpisa pa lang ay malinaw na ang kalokohan. Walang investment na lalaki agad ng 100-500% lalo na kung wala naman kayong iniaalok na produkto o serbisyo.

Sabi nga sa kasabihan “If it’s too good to be true it probably isn’t”.

Kung nais n’yong inegosyo ang inyong pinaghirapang pera, alamin sa Security and Exchange Commission (SEC) o Department of Trade and Industry (DTI) kung lehitimo ang inyong papasukin. Araling mabuti upang huwag maloko o mabiktima ng mga scammer.

Huwag basta-basta magtitiwala o maeengganyo, lalo na kung sa social media n’yo lamang nakita. Karaniwan sa mga ito ay hindi mo na mahahagilap matapos makuha ang inyong pera.

Maging pala-duda. Sundin ang inyong kutob, kadalasan ang inyong kutob ay tama sa mga ganitong kalakaran.

Sinasamantala ng mga scammer ang social media sites na hindi basta-basta mahuhuli o nade-detect.

Dapat ay paigtingin ng mga ahensya tulad ng Anti-Cybercrime Division ng NBI at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-PNP) ang pagtugis sa mga kawatan sa social media upang hindi na makapanloko pa.

223

Related posts

Leave a Comment