BAKIT NALUGI ANG RAMON T. TULFO CARGO SA UAE?

RAPIDO ni PATRICK TULFO

ILANG linggo na ang nakararaan nang padalhan ako ng mensahe ni Maribel Galindez, ang business partner ng aking ama sa RTT Cargo na nakabase sa Dubai, UAE.

Ayon sa mensahe ni Galindez, mas malaki ang gastusin kaysa kita mula sa pinapadalang cargo ng mga OFW sa UAE.

Nitong nakaraang Agosto lamang ay nagpunta ako sa Dubai kasama ang aking ama at si Mr. Joel Longares, ng ATLAS Brokerage and Express Padala, upang makita ang kanilang operation doon. Dito nadiskubre ni Mr. Longares na napakalaki ng overhead expenses ng RTTC dahil sa dami ng drivers nito gayung nag-uumpisa palang sila ng operation.

Ayon kay Mr. Longares, bukod sa sobrang dami ng empleyado ng RTTC, napakababa umano ng sinisingil nito sa balikbayan boxes kaya’t hindi sila makakapondo ng pambayad sakaling magkaproblema sa operation.

Malinaw na hindi marunong magnegosyo itong si Galindez, katulad din ng ginawa niya sa kanyang 1Naturaleza, kung saan mayroong 4% na share lang ang aming ama, hindi niya alam ang totoong estado ng kita sa kumpanya dahil si Ms. Galindez ang nagpapatakbo nito.

Bakit ko nasabing lugi? Dahil sa dami ng nagrereklamo na ‘di nakakakuha ng payout. Meron ngang nakakuha ng tseke pero wala naman itong pondo kaya tumalbog lang ito.

Ang problema, hindi alam ng aking amang si Mr. Ramon Tulfo ang sitwasyon at siya ay nagtiwala kay Ms. BEL GALINDEZ na siyang nagpapatakbo ng cargo business.

Masyadong tiwala ang aking ama na marunong magnegosyo si Galindez at hindi na inalam kung paano tumatakbo ang kanilang operation.

Nang mabisto ng aking ama ang sitwasyon ng kumpanya ay huli na. Ubos na ang kanyang in-invest na pera na umaabot sa P13M mula sa kanyang retirement money. Suma total, umaabot sa tumataginting na P20 milyon ang lugi ng aking ama mula sa perang kanyang ibinigay kay Galindez.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang aking ama kasama ang iba pang miyembro ng 1Naturaleza, dahil sa panlilinlang na ginawa umano sa kanila ni Galindez.

Sa kasalukuyan, may 4 warrant of arrest na si Galindez, ilan dito ay convicted siya sa kasong Estafa.

206

Related posts

Leave a Comment