PARANGAL AT PASSPORT ON WHEELS PARA SA QUEZONIANS

TARGET ni KA REX CAYANONG

KINILALA ng pamahalaang panlalawigan ang tagumpay ng mga atletang nagdala ng karangalan sa Quezon.

Ayon kay Gov. Helen Tan, ang kanilang husay, sipag, at dedikasyon ay nagpapakita ng diwa ng pagiging tunay na Quezonian.

Isang pagpupugay kay Peter Cyrus Dean ng Lucena na itinanghal na bronze medalist sa 45th Southeast Asia Age Group Aquatics Championships sa Jakarta, Indonesia noong Agosto 22-27, 2023. Isa rin siyang doble gold medalist sa katatapos lamang na 63rd Palarong Pambansa ng Pilipinas.

Hindi rin dapat kalimutan si Coach Rochelle Yacob ng Lucena, ang nagdala ng karangalan sa bansa sa 22nd Asian Masters Athletics Championship 4x100m Women’s Relay (50-54 Age Group), na itinanghal na gold medalist.

Pinarangalan din si Darius Venerable ng Tiaong, na nag-uwi ng gold medal sa Individual Poomsae sa 2023 World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia noong Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Hindi rin nagpahuli si Dean Darnet Venerable, taga-Tiaong din, na itinanghal na 2 bronze medalist sa Individual Freestyle at Team Freestyle Poomsae.

Sa kanilang mga tagumpay, nagpapakita ang mga atletang ito na ang Quezon ay puno ng mga taong may malasakit sa kanilang propesyon at may prinsipyong itinataguyod.

Sabi naman ni Cong. Atorni Mike Tan, patunay ito na ang mga atletang Quezonians ay hindi lang sa larangan ng sports mahusay kundi pati na rin sa iba’t ibang larangan ng buhay.

Kayang-kaya ng mga taga-Quezon na lumaban at magtagumpay.

Samantala, nagdadala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas mabilis at mas maayos na serbisyo sa pasaporte sa pamamagitan ng Passport on Wheels (POW) Program sa Quezon.

Ang POW ay isang hakbang para mapadali ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng pasaporte. Ito ay isang mobile passport service ng DFA Office of Consular Affairs (OCA) na magiging mas abot-kamay sa distrito ni Cong. Mike.

Ang programang ito ay magsisimula sa “first come, first serve” basis para sa unang 700 na makakumpleto ng requirements at maipapasa sa alinmang STAN Satellite Offices sa 4th District. Ang deadline para sa 700 slots ay sa December 26, 2023, at ang POW Schedule ay sa January 23, 2024.

Hinihikayat naman ni Tan ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito para sa mas mabilis at mas komportableng proseso ng pasaporte.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

170

Related posts

Leave a Comment