BAWAL NA SA MAJOR ROADS

EDITORIAL

BAWAL na sa mga national road sa Metro Manila ang mga e-bike, e-trike at tricycle simula Abril 15, 2024, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang mga mahuhuli ay pagbabayarin ng multang P2,500, at i-impound ang kanilang unit kung hindi maipakikita ng gumagamit ang kanilang driver’s license.

Kasabay nito, nilinaw rin ni MMDA chief Romando Artes na tanging mga pinipedalang bisikleta ang papayagan sa bike lanes.

Gayunman, ikokonsidera ng ahensiya ang ibang mungkahi. Nilinaw rin ni Artes na hindi ito total ban. Hindi sila pinagbabawalan na lumabas. May mga lansangan lang na hindi sila nararapat, gaya ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA); C.M. Recto Avenue, President Quirino Avenue, Manila; Araneta Avenue, QC, Katipunan/C.P. Garcia, QC; Southeast Metro Manila Expressway Roxas Boulevard, Manila / Pasay / Paranaque; Taft Avenue, Manila / Pasay; Osmeña Highway (South Superhighway); Shaw Boulevard, Mandaluyong / Pasig, Ortigas Avenue, Mandaluyong / Pasig; Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard, QC / Manila; Quezon Avenue/Commonwealth Avenue, QC; A.Bonifacio Avenue, Manila; QC
Rizal Avenue, Manila; Delpan/Marcos Highway/McArthur Highway; Elliptical Road, QC, Mindanao Avenue, QC, Marcos Highway.

Ang rason ng pagbabawal sa nasabing mga uri ng sasakyan ay ang dumaraming bilang ng mga aksidente.

Ang ban ba ay solusyon?

Hindi dapat minamadali ng MMDA ang implementasyon. Kailangan ang konsultasyon sa users, na ang mga nabanggit na sasakyan ang kaya nilang ipundar dahil hindi kaya ang mamahaling kotse.

Maraming tanong na dapat sagutin ng ahensya.

Hindi pa hinog ang implementasyon ng travel ban habang walang malinaw na paliwanag para lubusan itong maintindihan at tanggapin ng publiko. Bukod dito, nararapat ang konsultasyon para marinig ang boses ng mga tao. Konsultasyon din sa mga siyudad, at ibang yunit ng lokal na pamahalaang sakop ng Kalakhang Maynila para mas malinaw ang pagpapatupad at magkakaayon ang mga regulasyon.

Ipaubaya na lang kaya muna sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng resolusyon dahil mas higit na batid ng mga ito ang tunay na sitwasyon ng mga gumagamit ng e-bike, e-trike at iba pang kaparehas na mga sasakyang kasama sa ipagbabawal sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

46

Related posts

Leave a Comment