KAWATAN NATIYEMPUHAN SA PAGLABAS SA BUTAS

CAVITE – Natiyempuhan ng mga awtoridad ang isang 24-anyos na umano’y kawatan nang lumabas ito mula sa butas tangay ang mga kinulimbat makaraang looban ang isang pares food house sa Dasmariñas City nitong Martes ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Dasmariñas Component City Police Station ang suspek na si alyas “Randy”, binata, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, makaraang ireklano ng may-ari ng Pali-Pares Food House na si alyas “Edmun”, 34, negosyante, ng Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw habang nagsasagawa ng pagpapatrulya sina Police Staff Sergeant John Michael Calleja at Police Corporal John Paulo Ramientos, kapwa miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) Team ng Dasmariñas CPS, sa Brgy. Paliparan 3, ng naturang lungsod, nang maaktuhan nila ang suspek habang papalabas sa butas galing sa Pali-Pares Food House Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, habang bitbit ang blue na eco bag na naglalaman ng iba’t ibang mga produkto, at isang tray ng mga itlog.

(SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment