ZUMBA DANCE CONTEST & WOMEN’S DAY NG PASAY CITY

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

NAGPATIKIM ng indak at padyak ang butihing Mayora ng Pasay City sa selebrasyon ng “Araw ng Kababaihan” sa pamamagitan ng Zumba Dance Contest.

Isinagawa ng Pasay City government ang “Indak ni Juana” Zumba Dance Contest kung saan nakisayaw si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa opening ng pakontes kaugnay ng pagdiriwang ng “Araw ng Kababaihan”.

Ayon Kay Mayor Emi, 15 grupo ang lumahok sa Zumba dance contest na ginanap sa Pasay City Hall grounds. Aniya, sana sa bawat indak at padyak ay maalala natin kung gaano tayo kaswerte at pinagpala dahil babae tayo.

And we should truly dance for joy dahil ito ay biyaya na hindi lang tayo ang nabigyan kundi pati na rin ang ating mga mahal sa buhay, komunidad at lungsod.

Ang team Pasay D Dancing Queens ang idineklarang kampeon sa dance contest, kasunod ang Zumba Pasay Squad at ang Super Life Ladies Malibay sa pangalawa at pangatlong pwesto, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ng alkalde na iniuwi ng Zumba Pasay Squad ang Best Costume Award, habang si Jackielou Miguela ng Super Life Ladies Malibay, ang tinanghal bilang Best Female Performer.

Ipinakita rin ni Rubiano ang kanyang dance moves bago ang paligsahan.

41

Related posts

Leave a Comment