CHARITY WORKS NG PITMASTER FOUNDATION TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

BAGAMA’T ipinagbabawal pa rin ang e-sabong, wala pa ring puknat ang charity works ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (PITMASTER).

Sa totoo lang, ang Pitmaster Foundation Inc. ay matagal nang tumutulong sa ating mga kababayan.

Noong kasagsagan nga ng pandemya, inulan ng tulong ang maraming mamamayan at lokal na pamahalaan mula sa Pitmaster.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, ito ang dahilan kaya isa sa mga naging finalists ang Pitmaster sa The Stevie Awards.

Ang Stevie Award ay isa sa mga pinaka-prominenteng parangal o commendations sa business world.

Siyempre, ang award ay iginagawad sa mga lider sa hanay ng commerce, industry, at philanthropy na may kahanga-hangang kontribusyon sa kani-kanilang mga komunidad.

“The Pitmaster Foundation Inc. was established in November 2020 at the height of Covid-19 pandemic and after series of typhoons that hit the country, with an objective of providing medical and financial assistance to Filipinos, and support government’s social, environmental, and medical programs,” wika ni Cruz.

Ang Pitmaster ang kilalang corporate social responsibility arm ng Lucky 8 Star Quest na nagpapatakbo noon ng legal na e-sabong. Kung hindi ako nagkakamali, mayroon na itong 5,235 members at volunteers na karamihan ay mula sa gaming at livestock industries.

Sa kabila nga ng kinakaharap na pagsubok ng industriya sa pagkawala ng e-sabong, tumutulong pa rin ito sa ating mga kababayan.

Namahagi pa nga ito ng tulong sa mga pamilyang apektado ng Super-typhoon Karding sa lalawigan ng Quezon.

Binuhay ng organisasyon ang kanilang relief operations nang tumama ang bagyo.

Sa pangunguna naman nina Anthony Lim, Jun Fernandez, Mr. & Mrs. Eric Dela Rosa, Vincent Violago at Rico Manalansan ng Pitmasters Group, nag-donate sila ng 1,000 modular tents sa

Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Secretary Erwin Tulfo.

Ang turnover ceremony ay ginawa kamakailan sa DSWD-NROC sa Pasay City. At kahit wala na ang ang e-sabong, aba’y marami pang umaasa na makababalik pa rin ito sa ilalim ng Marcos administration.

“Nakakalungkot lang isipin na ‘yung mga taong naghahanap-buhay para sa pang-araw-araw, mapakain lang ang pamilya eh nawawalan ng trabaho o pagkakakitaan. Sana ma-regulate ang e-talpak para makabalik sila sa trabaho at ‘di na rin sila maging dagdag sa mamamayan na nahihirapang maghanap ng trabaho,” pahayag ng sabong aficionado na si Adrian Querubin.

26

Related posts

Leave a Comment