CONG. ODIE TARRIELA NABIKTIMA NG FAKE NEWS

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA kasalukuyang panahon ng malawakang pagkalat ng impormasyon sa internet, hindi na bago ang paglaganap ng fake news o mga balitang pawang kasinungalingan.

Isa na namang halimbawa nito ang kumakalat na ulat na nagsasabing ipinatigil o ipina-delay raw ni Cong. Odie Tarriela ang turnover ng sea ambulance para sa bayan ng Lubang, Occidental Mindoro.

Sa halip na palakihin pa ang usapin at magpatangay sa agos ng kasinungalingan, marapat lamang na suriin natin nang maayos ang mga totoong pangyayari.

Ayon sa mga tunay na impormasyon, ang pagbisita ni Cong. Tarriela sa Lubang at Looc noong April 11, 2024, ay may layuning pangunahan at makiisa sa payout ng Cash-for-Work Program para sa mahigit 2,800 na benepisyaryo na naapektuhan ng Bagyong Egay.

Ipinamahagi nila ang halagang P29,170,350 sa mga taong nangangailangan, isang malaking tulong sa panahon ng kagipitan.

Hindi lamang ito ang nagpapatunay sa tunay na adhikain ni Cong. Tarriela para sa kanyang mga kababayan.

Patuloy niyang isinasagawa ang mga programa at proyektong makatutulong sa pag-angat ng kalagayan ng mga taga-Occidental Mindoro, lalo na sa larangan ng kalusugan.

Sa tulong na medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letter sa iba’t ibang mga pampubliko at pribadong ospital, patuloy niyang pinapalakas ang serbisyong pangkalusugan.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawakang adhikain na mas mapalaki pa ang budget ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa ilalim ng Department of Health (DOH)

Siyempre, sa pamamagitan nito, mas maisasaayos ang mga pasilidad at kagamitan ng mga ospital, na magdudulot ng mas magandang serbisyo para sa mga kababayan.

Tulad ng sinabi ni Dr. Mario Baquilod, regional director ng DOH-MIMAROPA, at ni Cong. Tarriela, ang ganitong mga hakbang ay hindi lamang nagpapalakas sa kalusugan ng mamamayan kundi nagbibigay rin ng patunay sa tapat na paglilingkod ng kanilang liderato.

Sa huli, tandaan natin na ang kasinungalingan ay hindi kailanman magdadala ng mabuti.

Sa halip, ito ay magdudulot lamang ng kalituhan at pangamba sa ating lipunan.

At sa panahong ito ng krisis at pangangailangan, ang pagpuksa sa fake news at pagsusulong ng katotohanan ay isang tungkulin ng bawat mamamayan.

Patuloy nating ipakita ang ating paninindigan laban sa kasinungalingan at suportahan ang mga lider tulad ni Cong Tarriela na tunay na naglilingkod para sa kabutihan at kapakanan ng kanyang nasasakupan.

54

Related posts

Leave a Comment