DND, CAAP AT SENADO

PRO HAC Ni VICE BERT MOZO

INIHAYAG ni SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL ZUBIRI ang kanyang pagsuporta sa pag-amyenda sa REPUBLIC ACT 11709 o ang batas na nagtatakda ng tatlong taong fixed term sa liderato ng ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP).

Nauna nang iminungkahi ng bagong talagang kalihim ng DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE O DND CARLITO GALVEZ na gawing extended tenure of service na lamang ang terminong ‘FIXED TERM’.

Paliwanag ng kalihim, mas maganda kung flexible na ang termino ng AFP officials, dahil hindi rin nito malilimitahan ang kapangyarihan ng pangulo ng bansa na mag-alis ng opisyal ng militar.

Kasi kung magkagayon ay hindi na magiging problema ng pangulo ng bansa ang magtanggal ng hindi karapat-dapat na mga opisyal ng AFP na mamuno sa sandatahang lakas ng bansa.

Natatandaan n’yo nitong nakalipas na mga linggo, umugong ang umano’y pagkakaroon ng ‘di pangkaraniwang galaw ng mga sundalo dahil sa pagpapalit ng liderato sa DND?

Kung maamyendahan ang REPUBLIC ACT 11709 eh ‘di maaalis na ‘yung mga kesyo hindi pwedeng galawin ang mga pamunuan ng AFP dahil sa naturang batas, gayung nasa ilalim naman ng ating saligang batas ang kapangyarihan ng pangulo ng bansa na magtalaga ng mga opisyal ng AFP na kanyang maaasahan na magiging katuwang niya sa pagpapatupad ng kaayusan ng bansa.

Ang nasabing pahayag ni Sec. Galvez ay kaagad namang sinang- ayunan ni SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL ZUBIRI at tiniyak pa nito na suportado ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pag-amyenda sa REPUBLIC ACT 11709.

Samantala, hindi naman nagustuhan ng Senado ang nangyari na namang aberya sa paliparan ng bansa partikular na sa Manila International Airport Authority (MIAA).

‘Yan mismo ang naging pahayag ni SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES CHAIRMAN SENATOR GRACE POE.

Ayon sa senadora, isang hindi magandang senyales ang panibago na namang aberya sa PALIPARAN nitong nakalipas na CHINESE NEW YEAR.

Sinabi pa ni SENATOR POE, dapat kapag mayroong mga ganoong gagawin sa paliparan ay maagang mag-abiso ang CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINE o CAAP upang hindi nababalam ang mga paalis at parating na mga pasahero ng bansa.

Ang naturang aberya na naman ay ikalawa nang nangyari sa MIAA at pareho pang NEW YEAR celebration.

Tanong tuloy ng senadora, may kakayahan kaya ang CAAP para mag-repair at i-calibrate ang kanilang AIR TRAFFIC MANAGEMENT SYSTEM?

O baka kailangan na rin ang tulong ng mga COMPETENT maintenance provider kagaya ng THALES at SUMITOMO.

18

Related posts

Leave a Comment