ESTRATEHIYANG PAMBANSA

FOR THE FLAG

(Unang bahagi)

Kahit sino pa ‘yang mga naiupo natin ngayong nakaraang halalan, ipangalandakan nating mga mamamayan ang isang national strategy for survival.

Kinakailangang sumabak na ang bansa sa manufacturing, technology at industrialized assembly production. Aminin na nating hindi sapat ang pag-export lamang ng mga raw materials at agricultural products na humahantong lamang sa taunang trade deficit.

Ang mga malalaking kompanyang naglo-locate sa Pilipinas ay i-require ng tech transfer bago payagan dito.

Ibaba nang husto ang percentage ng cash reserves ng mga bangko sa bansa, upang may maipahiram na kapital sa mga kababayang papalaot sa ating naunang binanggit.

Kailangan ng added value ng lahat ng ating ini-export.

I-subsidize ang mga magsasaka para sa self-sufficiency natin sa pagkain.

Taunang mag-procure ng mga kagamitang pambansang seguridad.

Magtakda ng bayanihan tax para sa mga maya¬yamang indibidwal at dambuhalang mga negosyo na nakikinabang at nag-o-operate sa bansa.

Iimplementa ang universal healthcare sa Pilipinas, at magkaroon ng nutritional program para sa mga public schools lalo na sa elementarya.

Ibilang ang Kinder 1 at Kinder 2 sa K to 12 nang sa gayon ay hindi na madagdagan ng dalawang taon ang mga kabataan bago sila makapagtapos.

Palakasin ang software industry sa bansa kung saan marami na tayong able professionals at marami pang nagsisipagtapos sa sektor na ito taun-taon.

Magkaroon na ng sariling computerized vote counting system ang bansa na may parallel component na mapatotohanan naman ng mga resibo ng bawat botante.

Magkaroon ng polisiya para sa media na 20% ng nilalaman ng kanilang news outfit ay promosyon ng a-ting national survival strategy.  (For the Flag / ED CORDEVILLA)  (ITUTULOY)

184

Related posts

Leave a Comment