GO NEGOSYO NG QUEZON CITY

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

KINUMUSTA natin ang ilan sa mga negosyante ng Pangkabuhayan Program ng Go Negosyo ng Quezon City. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon, kung saan dati ay makikita mo ang ilang mga negosyante na nagkalat sa mga bangketa.

Binigyan ng libreng pwesto at kapital na P20,000 at dumaan din sa pagsusuri at evaluation ang bawat benepisyaryo ng Go Negosyo Program ng Small Business and Cooperative Development promotions office, kaya ngayon ay makikita mo na sila sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malaki ang naitulong ng maliliit na mga negosyante sa paglago ng ekonomiya ng lungsod. Katuwang din nila ang Department of Trade and Industry (DTI) at patuloy pa rin ang pagbibigay ng benepisyo nang batch by batch, basta qualified.

Sa ginanap na 5th State of the City Address, binanggit ni Mayor Belmonte na 68,000 na ang nakarehistro na mga negosyante ngayong 2023 kaya nga pinarangalan ang Quezon City kamakailan, bilang business friendly.

Patuloy pa ring hinihikayat ng alkalde ang maliliit na mga negosyante para dumami ang investors sa kanilang lugar at sa patuloy na pag-monitor ng team ng Go Negosyo ng Kyusi, ay nasa 82 percent na ang patuloy na nagpapalaki ng negosyo.

Sabi nga, libreng pwesto at libreng puhunan. Sana All!

81

Related posts

Leave a Comment