NAGLIPANA ngayon ang mga Amerikano sa Subic Bay Freeport (maling sabi ng marami SBMA) dala ng Balikatan, ang magkasanib na military exercises ng Sandahang Lakas ng Pilipinas at Estados Unidos.
Dito kasi sa Subic ang daungan ng mga barkong pandigma ng Amerika na may mga fighter jets at iba pang gamit militar para sa pagsasanay.
Maraming implikasyon ang Balikatan, mula seguridad, kapwa local at international, pang-ekonomiya, hanggang moralidad.
Tingnan natin: nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga sundalo at nalalantad pa sa mga gamit ng mga Amerikano kahit na karamihan ay wala naman tayo.
Ang hindi napapansin ng mga taga-Maynila at iba pang panig ng bansa ay sumisigla ang kalakalan sa Su-bic Freeport, Olongapo at karatig-lugar dahil sa presensiya ng mga Amerikano.
Sa pagdaong muli sa Subic ng USS Wasp, isang multi-purpose warship ng US Navy, para kunin ang mga gamit at libu-libong US marines na sumali sa Balikatan, parang piyesta ang pantalan ng Alava sa mga naghilerang sari-saring tolda ng mga paninda, mayroong mga souvenir at mayroon ring mga pagkain.
Ang big-time, ang mga humahakot ng mga basura at dumi, solid at liquid, mula sa mga barko, na si-nusundan ng mga supplier ng stock ng pagkain, mula asukal, gulay at iba pa.
At kumikita rin ang mga hotel, restaurant, barberya, massage parlors, nightclubs at pati ang mga “Ne-na” na mula pa sa iba’t ibang lugar sakay ng mga van at bababa sa isang lugar saka rarampa sa mga lan-sangan.
Dito pumapasok ang ikatlong implikasyon na mo¬ralidad. Isinisisi sa mga Amerikano ang anila’y immoral na pagbebenta ng panandaliang aliw.
Tingnan natin: una, hindi polisiya ng US Navy na pumatol sa “prosti” ang kanilang mga sundalo. Pan-galawa, pinatunayan na ng kasaysayan ng isara ang Naval Base ng mga Amerikano dito sa Subic noong 1992, hindi nawala ang bentahan ng panandaliang aliw.
Nawala ang mga Amerikano, pumalit ang mga Ko¬reano, Intsik, Hapon at siyempre, mga Pinoy mismo.
Walang ipinag-iba sa Metro-Manila at iba pang panig ng bansa.
Kasalanan ng mga Amerikano? Tingnan Natin kung ano ang totoo.(Tingnan Natin /Vic V. Vizcocho, Jr.)
162