HUMAN RIGHTS WATCH BA KAMO?

ANG tanong, kailan ba nag-report ng pabor sa gobyerno ‘yung grupo ng human rights watch.

Ang ‘di ko lang maintindihan bakit ang grupong ito ay laging pinupuntirya ang pamahalaan? Bakit kaya hindi nila tingnan din kung ano ang mga ginagawa ng mga kriminal o sindikato na siyang talagang puno’t dulo ng kaguluhan at patayan sa ating bansa.

Bakit palagi na lang nilang sinisisi ang gobyerno kung mayroong napapatay na mga sangkot sa ilegal na droga?

‘Di ba nila naiisip na kaya patuloy ang mga patayan kapag sangkot ang ilegal na droga ay marahil dahil sa kumpetensya ng mga kriminal sa kanilang negosyo?

Gayunpaman ay pinalagan naman ng Department of Justice (DOJ) ang naturang pananaw ng naturang grupo, at nanindigan ang DOJ na malaki na ang ipinagbago sa giyera kontra ilegal na droga ng pamahalaan dahil sa ibang-iba na ang approach ng pamahalaang Marcos sa paglaban sa ilegal na droga.

Sa isang ambush interview kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, kinontra nito ang ulat ng grupong Human Rights Watch (HRW) na nagsasabing walang naging pagbabago sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naniniwala ang kalihim na iba na ang human rights situation sa bansa partikular sa ‘war on drugs’.

Pero sinabi ni Remulla na maaaring kausapin muli ang pulisya sa mga metodolohiya ng mga ito kaugnay sa giyera kontra legal na droga.

Ayon pa sa kalihim, iba-validate din nila ang lahat ng nasabing mga ulat at mga impormasyon na nakalap ng human rights group.

Pagtitiyak pa ni Sec. Remulla, hindi tinutulugan ng gobyerno ang mga kaso ng extrajudicial killings at patuloy ang mga imbestigasyon at pagdinig sa mga kaso.

25

Related posts

Leave a Comment