HUSTISYA PARA KAY JAMES VINAS!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Mariing kinokondena ng Bayan Muna ang pagpas­lang sa miyembro at coordinator nito sa Borongan City, Samar. Ito ay atake hindi lamang sa progresibong partido ng Bayan Muna kundi sa demokrasya at karapatang-pantao.

Pinatay si James Vinas noong March 12 sa labas ng kanyang bahay, ganap na alas-7:15 ng gabi. Kami ay humahati sa pighati ng mga naiwang pamilya, kaibigan, at mga kasama ni James.

Ang mas mapait pa sa sinapit niya ay ang tila kawalang-bahala ng pulisya upang hanapin ang tunay na may gawa ng krimen. Pinapalabas nila na ang mga mismong mga aktibista o mga kasamahan ang pumatay sa kanya, tulad ng samahan ng mga Yolanda survivors na People Surge. Tayo na nga ang namata­yan ng kasama at kaibigan, ay tayo rin ang suspek sa kanyang pagpaslang. Hindi ito katanggap-tanggap!

Napakarami nang aktibista, mga pari, abogado, magsasaka, at katutubo ang pinapatay, at ang la­ging linya ng pulis at militar ay siraan ang biktima o ang mga organisasyong kinabibilangan nila. Matagal na nilang modus ang ganitong pahayag, ngunit ang totoo, wala silang kakayanang bigyang hustisya ang mga biktima ng political killings, dahil mismong pulis at militar ang itinuturong nasa likod nito.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang admi­nistrasyong Duterte ay asiwa sa usaping karapatang pantao. Makailang ulit na niyang sinambit ang “Kill them!” “Patayin kita!” sa kanyang mga pahayag laban sa mga human rights defenders at maging sa mga taong simbahan na lumalaban para sa karapatan.

Sa aming pagtingin, marahil ay lalong lumalakas ang loob ng mga pwersa ng estado, kabilang ang mga paramilitar at vigilante nito, dahil sa pag-alis ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC. Ang ICC ay isang intergovernmental court kung saan maaaring magkaso ng mga crimes against humanity, genocide, and crimes of aggression. At sa dami ng pinapaslang sa ilalim ng administrasyong ito, tiyak mahahatulan ang mga nasa poder.

Ngunit, hindi titigil ang Ba­yan Muna kasama ang iba pang mamamayan sa paghahanap ng hustisya para kay James Vinas at sa lahat ng biktima ng EJK. Hustisya! (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

186

Related posts

Leave a Comment