ARTIPISYAL NA KRISIS SA TUBIG

SIDEBAR

Marso 6 nang magsimulang mawalan ng tubig sa east zone ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Manila Water na pag-aari ng mga Ayala at umaabot sa 1.2 milyong kabahayan (households) ang sakop ng operasyon ng naturang kompanya ng tubig.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lugar sa Eastern at Southern Metro Manila kung saan kasama ang mga siyudad ng Mandaluyong, Pasig, Marikina, San Juan, Makati, Pasay, Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas.

Kasama na rin sa sineserbisyuhan ng Manila Water ang mga bayan ng Binangonan, Angono at Baras sa lalawigan ng Rizal matapos magsimula ang operasyon ng Cardona Water Treatment Plant noong Marso 14.

Marami ang nagtatanong kung bakit sa mga lugar lang ng Manila Water nagkaroon ng water shortage samantalang ang west zone na nasa ilalim ng Maynilad Water Services Inc. ay patuloy ang supply ng tubig.

Hindi rin nakatulong bagkus ay nakadagdag sa walang basehang pangamba ng mga Filipino ang mga naglabasang media reports hinggil sa kritikal na lebel ng mga tubig sa mga tradi­syunal na pinagkukunan ng tubig gaya ng Angat Dam at La Mesa Dam.

Kung paniniwalaan mo nga lahat ng mga naglalabasang balita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon ay iisipin mo talagang may krisis sa tubig kung kaya kailangan na lang itong tanggapin ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar.

Lumitaw sa naging pagdinig kahapon ng mababang kapulungan na kasalanan ng Manila Water kung kulang man ang kanilang water supply dahil maliit ang alokasyon nito ng tubig nang magsimula ang kanilang operasyon noong 1998.

Sa naging paliwanag ni Administrator Reynaldo Velasco ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, maraming “areas that are more vacant” ang Manila Water nang magsi­mula itong kumuha ng tubig mula sa Angat Dam.

Ibig sabihin, palpak ang serbisyo ng Manila Water kung kaya kulang na lang ay magbigti ang chief executive officer (CEO) at Presidente ng Manila Water na si Ferdinand dela Cruz nang humarap sa mga kongresista kahapon.

Ito ang bahagi ng paha­yag ng Manila Water President and CEO: ”I am holding myself accountable for the sudden drop in our service levels to your constituents, whom we who we have consistently served over the past 21 years with 24/7 water availability and sufficient water pressure.

“Noon pong nagsimulang serbisyuhan ng Manila Water ang publiko, pinangako po namin na hindi na kayo magpipila-balde at maghihintay ng magrarasyon ng tubig ngunit noong nakaraang linggo, binigo ko po kayo.”

Batid ng Malacañang na artipisyal ang krisis sa tubig taliwas sa mga naglalabasang balita sa mass media kung kaya agad na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng mga dam para masuplayan ng tubig ang mga customer ng Manila Water.

Sa House inquiry kahapon, sinabi pa ni Administrator Velasco ng MWSS na kayang magpasa ng Maynila ng 10 million liters per day na allocation para sa Manila Water sa pamamagitan ng La Mesa Portal at “cross border sharing” ng tubig.

Sinabi rin ng Velasco na kapag full operations na ang Cardona water treatment plant sa Rizal ay makakapagbigay ito ng 100 million litro ng tubig kada araw at idagdag pa ang reactivation ng 101 standby deep wells.

Kumpirmasyon lang ito na sariling kagagawan ng Manila Water ng mga Ayala ang artipisyal na krisis sa tubig na pinalala ng mga media reports para palabasing buong Metro Manila ang mawawalan ng supply ng tubig dahil sa El Niño at kawalan ng ulan. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

83

Related posts

Leave a Comment