GRAFT CASE NG OZAMIS VICE MAYOR BINUHAY NG SC

parojinog

(NI TERESA TAVARES)

BINUHAY muli ng Supreme Court (SC) ang kasong katiwalian laban kay Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess E. Parojinog-Echavez kaugnay sa maanomalyang kontrata sa pagsasaayos ng multi-purpose building sa naturang lungsod.

Sa desisyon na iniakda ni  Associate Justice Diosdado M. Peralta, binaligtad ng SC ang naging ruling ng Sandiganbayan noong 2017 na nagbabasura sa graft case laban kay Echavez at sa ama na si dating mayor Reynaldo O. Parojinog.

Magugunita na kinasuhan ng Ombudsman ang mga  Parojinog dahil sa kanilang pinansyal na interes sa bagong renovate na multi-purpose building na iginawad sa Parojinog & Sons Construction Company (PSCC) kung saan si Nova Princess ang managing partner sa kompanya.

Ibinasura noon ng anti-graft court ang kaso laban sa mga  Parojinog dahil nalabag umano ang karapatan ng mga akusado sa right to speedy disposition of cases dahil umabot ng halos anim na taon bago sila nasampahan ng kaso.

Ayon sa SC, malalabag lamang ang karapatan ng akusado kung nabimbin nang walang mabigat na dahilan ang pagsasampa ng kaso.

Magugunita na kabilang ang mga Parojinog sa tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga narco politician.

Noong Hulyo 2017, naaresto sina Nova Princess at kapatid na si Reynaldo Jr., dahil sa kasong  illegal possession of firearms and ammunition.

Dahil sa engkwentro, nasawi si  Parojinog Sr., asawa nito at 14 na iba pa.

 

107

Related posts

Leave a Comment