KAHIRAPAN SA TAG-ULAN

At Your Service Ni Ka Francis

ILANG araw na lang ay matatapos na ang tag-init at magsisimula na ang unang buwan ng tag-ulan na Hunyo.

Ayon sa weather bureau PAGASA, ang mga buwan ng tag-ulan (rainy season) sa Pilipinas ay kinabibilangan ng Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.

Samantala, ang tag-init ay ang mga buwan ng Disyembre, Enero, Pebrero, Marso, Abril at Mayo.

Sa mga buwan ng tag-ulan ay mahina ang negosyo kaya sa panahon na ito ay taghirap ang buhay ng mga tao.

Bakit kamo? Dahil sa matinding pagbaha o La Niña kung kaya naantala ang delivery ng mga pagkain sa mga pamilihan.

Kaunti ang mga produktong mabibili sa mga pamilihan, epekto niyan ay tumataas ang presyo ng mga ito.

‘Pag tumaas ang demand o pangangailangan ng tao kasunod niyan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bukod pa riyan, namamatay rin ang mga pananim dahil sa pagtaas ng tubig sa mga bukirin kaya apektado ang agri-products.

Mataas din ang presyo ng mga pagkain na nagmumula sa karagatan tulad ng isda at iba pang lamang dagat na kinakain ng mga tao, dahil maalon ang karagatan.

Ang resulta, karamihan sa naibebentang mga produkto sa mga pamilihan ay ang mga dati nang huli at ani noong hindi pa sumasapit ang tag-ulan.

Pangunahing apektado nito ay ang sektor ng mga mangingisda at magsasaka na umaasa lamang sa kanilang hanapbuhay sa pangingisda at pagsasaka.

Libo hanggang sa milyong katao na umaasa sa pangingisda at pagsasaka ang pangunahing apektado sa panahon na ito, pangalawa ang mga ordinaryong mamamayan na hindi makabili sa sobrang mahal ng mga bilihin.

Kung may kahirapan sa tag-ulan, ‘pag dumating naman ang pagpapala sa atin ay pangalagaan natin.

Sa pagpapala kasi walang pinipiling panahon, tag-ulan man o tag-init dumarating ang pagpapala.

Tulad na lamang ng FCJ chicken na may pangatlong branch na bubuksan ngayong araw sa Mapulang Lupa, Valenzuela City, na maituturing na pagpapala ng Ama.

Ang pagpapalang ito mula sa Ama, kapag hindi pinangalagaan ito ay maaaring bawiin.

60

Related posts

Leave a Comment