KASO NG DENGVAXIA KAMAMATAYAN NA NG MGA COMPLAINANT BAGO MADESISYUNAN NG KORTE?

PRO HAC VICE

Iyan ang pinangangambahan ng Public Attorneys Office. Paliwanag ni PAO chief Persida Rueda-Acosta na kung itutuloy ng Department of Justice na ihahain sa iba’t ibang korte sa bansa ang reklamo laban kina da¬ting Department of Health Secretary Janet Garin et al, ay posibleng patay na umano ang mga complainant ay hindi pa tapos na dinggin ng korte ang kaso sa dahilang sobrang dami ng mga reklamo mula sa pamilya ng mga batang biktima na naturukan ng Dengavax-ia vaccine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Apela ni Acosta sa DOJ dapat sa isang hukuman na lamang ihain ang kaso gaya ng nangyari nang lumubog ang barkong M/V Princess of the Star na natagpuan ang mga labi ng mga pasahero sa iba’t ibang baybayin ng bansa.

Isa pa sa inirereklamo ng PAO ay ang kabagalan din ng DOJ sa paghahain ng impormasyon sa korte para maisyuhan na ng warrant of arrest sina Garin, et al.

Sa datos ng PAO, sa kasalukuyan anya ay mahigit na 100 mga labi na naturukan ng Dengvaxia vaccine ang naisailalim na sa awtopsiya ng forensic experts ng PAO na iisa anya ang nakitang palatandaan at ito’y paglobo at pagdurugo ng utak at ng mga internal organs na siyang naging sanhi ng maagang kamata¬yan ng mga biktima.

Sa panayam sa ilang opisyal ng DOJ sinabi ng opisyal na ayaw nang magpabangit ng kanyang pangalan na kaya nabalam ang paghahain ng impormasyon sa korte dahil siniguro ng DOJ na kumpleto ang lahat ng mga dokumento sa kanilang isasampang reklamo laban sa mga inaakusahan.

Una rito’y naghain ng partial motion for reconsideration ang PAO sa DOJ makaraang iabsuwelto ng DOJ sa pana-nagutang kriminal si DOH Secretary Francisco Duque III.

Naniniwala ang PAO na malaki ang naging partisipasyon ni Sec. Duque sa pagpapatupad ng proyekto ng DOH sa kanil-ang anti-dengue vaccine program gamit ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine kaya’t dapat umano itong makasama sa kaso.  (PRO HAC VICE / BERT MOZO)

oOo

Congratulation, sa new set of officers ng Justice Reporters Organization (JUROR)!

President – Bert Mozo-DWIZ

Vice President – Boy Gonzales – DZRH

Secretary – Moira Encina – DZEC

Treasurer- Jun Samson-Sonshine Radio.

Auditor-Johnson Manabat – DZMM

Chairman of the board- Dexter Ganibe – DZMM

Board of Directors;

Lorenz Tanjoco – Radyo Pilipinas

Joyce Adra-Collantes – DZXL

Jerald Ulep – Bombo Radyo

Julius Gonzalez – Radyo Pilipinas

Mark Makalalad – DZBB

Sam Nielsen-DZBB

Carlo Mateo-DZBB

Manny Vargas-DZBB

Advisers

Jomar Canlas-Manila Times

Rowena Reformina-ABS-CBN

Cecille Villarosa-GMA-7

240

Related posts

Leave a Comment