KONGRESISTA NAKIKIALAM SA SIGALOT NG HOA NG ISANG HIGH-END SUBDIVISION SA PARAÑAQUE

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAYROONG sigalot sa pagitan ng mga opisyales ng homeowners association (HOA) ng isang high end subdivision diyan sa Parañaque City.

Ang isyu ay nakarating na sa Department of Human Settlements and Urban Developments (DHSUD). Pero ayon sa kuwento, nakikialam daw ang isang kongresista at dahil dito ay nape-pressure na raw ang DHSUD.

Gusto raw ng kagalang-galang na kongresista na ibalik sa puwesto ang natanggal na dating homeowners officials.

May utos na raw ang DHSUD na magkaroon ng election para sa bagong officers ng naturang homeowners association.

Bakit hindi na lang payuhan ni Congressman ang kanyang mga bata na hintayin na lang ang kahihinatnan ng halalan ng mga opisyal ng homeowners association kung saan ang mga ito ay tatakbo rin?

Ano ba ang meron diyan at nagpapakamatay ang dating homeowners officials na makabalik sa pwesto?

Bakit naman mape-pressure ang DHSUD kay Congressman? Hindi pa ba naibibigay ang budget ng ahensya ninyo?

Abangan natin ang mga susunod na kabanata!

46

Related posts

Leave a Comment