LIMANG TAONG TERMINO PARA SA BARANGAY CHAIRPERSONS?

PABOR Si Department of the Interior and Local Government Barangay Affairs Under Secretary Martin Diño sa panukalang palawigin sa limang taon ang panunungkulan ng barangay executives.

Sa panayam ng DWIZ kay Usec. Diño, mas mainam na bukod sa limang taon ang bawat termino ay gawing pang dalawang termino ang bawat paninilbihan ng bawat barangay executives.

Nauna rito, inihayag naman ng incoming administration na pinag-aaralan nito ang panukalang gawing limang taon ang kada termino ng barangay officials mula sa tatlong taon.

Ayon kay Incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, bukas ang papasok na administrasyon sa ipinakikita sa kanilang mga panukala kabilang na nga rito ang pagpasa ng batas para sa naturang panukala na gawing limang taon ang termino ng mga kapitan ng barangay.

Naniniwala si ES Rodriguez na mas mainam na dagdagan na lamang ang termino ng barangay officials upang mapalakas pa ng mga ito ang kanilang pangangasiwa sa kani-kanilang mga nasasakupan kaysa nakasanayan na pagpapalawig ng termino ng naturang mga opisyal sa pamamagitan pagpapaliban ng eleksyon.

Ang naturang pahayag ni ES Rodriguez ay kasunod ng mga balitang matutuloy na sa Disyembre ng kasalukuyang taon ang halalan ng barangay officials na dalawang ulit na ring naipagpaliban dahil sa ilang mabibigat na kadahilanan.
Magugunitang naipagpaliban ang May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataang election at itinakda ito sa December 2022, alinsunod sa nilagdaang Republic Act 11462 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, obligado na ngayon ang mga barangay na magtalaga ng VIOLENCE AGAINST WOMEN (VAW) DESK.

Ang VAW Desk ay nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Magna Carta for Women.

Ang naturang tanggapan ay siyang magsisilbing FRONTLINE SERVICE PROVIDER sa mga kababaihang nakararanas ng mga PHYSICAL, SEXUAL, PSYCHOLOGICAL, ECONOMIC at iba pang uri ng mga pang aabuso.

Tungkulin ng barangay VAW DESK ang bigyan ng tulong ang mga VAW victims sa pagkuha ng BARANGAY ­PROTECTION ­ORDER (BPO) at mga ­kailanganing serbisyo, kabilang din sa trabaho ng VAW Desk ang pagtugon sa Gender Based Violence na idinudulog sa mga barangay at ang pagtatala ng mga bilang ng mga gender based violence cases na inaktuhan ng Barangay, at ang pagsusumite ng Quarterly Report sa lahat ng VAW cases sa DILG, city/municipal field office at sa city/municipal Social Welfare Development Office.

Nakasaad din sa IRR ng VAW na kailangang tiyakin na nakatago ang VAW cases na ­tanging mga awtorisadong ­opisyal o indibidwal ang magkakaroon ng access sa naturang mga dokumento.

Bukod pa ito sa pagbuo ng Gender Responsive Plan ng mga barangay upang matugunan ang Gender Based Violence kabilang na ang kailangang support services, at ang Capacity’s Building and Referral System.

Samantala, trabaho rin ng VAW Desk ang pakikipag-­ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan at pagre-refer ng mga kaso sa kinauukulang mga tanggapan ng gobyerno kabilang na sa Non-Government Organizations, institutions at iba pang mga service provider kung kina­kailangan.

Ang VAW Desk din ang mangunguna sa pagtugon sa iba pang uri ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan lalo na sa senior citizens, PWDs at marginalized groups sa kanilang komunidad.

198

Related posts

Leave a Comment