LUCKY 7 KAY FEM, LUCKY 8 KAY BBM

INSIDER Ni Fernan Angeles

SA pag-upo ng bagong Pangulo sa katauhan ni Ferdinand Marcos Jr., santambak na problema ang hinaharap ng gobyerno – kabilang ang P12.76-trilyong pagkakautang, kapos na pondo para matustusan ang iba’t ibang programa at proyekto, hanapbuhay sa mamamayan at ang nakaambang gutom dulot ng matinding kahirapan.

Bigla kong naalala ang ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na si “Makoy” na naniwala sa bertud ng numero siyete sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Palasyo.

Sa ilalim ng yumaong dating Pangulo, santambak din ang problema ng bansa, bagay na kanyang tinugunan sa paglulunsad ng “Bagong Lipunan” kung saan bumida ang disiplina ng mamamayan kasabay ng mga mekanismong nagpaunlad ng ating bayan.

Kung swerte ang ama ni Ferdinand Jr. sa numero siyete, maging mapalad rin kaya ang anak sa pagkatok ng Lucky 8?

Lucky 8 ba kamo? Tama, Lucky 8 nga. Ito ay isang pribadong kumpanya sa likod ng Pitmaster Foundation pasok sa kategorya ng charitable institution. Kung pagbabatayan ang datos ng pamahalaan, lumalabas na isa sa mga pinakamalaking taxpayer ang Lucky 8 Star Quest ni Charlie “Atong” Ang, at bahagi ng pumapasok na kita ay ibinabahagi para sa kawanggawa.

Tumataginting na P2.6 bilyon lang naman ang ipinasok ng Lucky 8 sa loob lamang ng 18 buwan, bukod pa sa P955 milyong halaga ng donasyon (bakuna, gamit sa ospital, rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance) sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan bilang pagtupad sa kanilang tinatawag na corporate social responsibility (CSR), isang mekanismong kalakip ng responsableng pagnenegosyo.

Sa gitna ng panibagong banta ng pandemya, tiniyak ni Pitmaster Foundation executive director Atty. Caroline Cruz na mananatiling nakaagapay ang kanilang hanay.

Pero ano nga ba ang kaibahan ng Pitmaster Foundation kumpara sa iba pang charitable institutions? Ani Cruz, direkta sa tao ang kanilang tulong. Sa madaling salita, hindi komplikado ang proseso. Daing mo, tulong ora mismo! Patunay niyan ang libo-libong mamamayang kanilang binahaginan ng angkop na tulong base sa kanilang pangangailangan.

Sa datos na kalakip ng kanilang pagtataya at pagsusuri (accounting and auditing), umabot na sa 13,000 Pinoy ang natulungan sa pamamagitan ng dialysis treatments na kung tutuusin ay hindi kayang balikatin ng buo ng ating gobyerno. Nakapagbigay na rin ito ng pagkain sa may 350,000 pamilyang Filipino, na siyang labis na kailangan sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.

Heto pa – 137 ambulansya ang kanilang handog sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, pagamutan at mga LGUs. Ang 81 lalawigan, titiyakin din nilang may sariling ambulansya, lalo na sa malalayo at liblib na bahagi ng ating bansa.

Oops, di pa tapos – 5 milyong facemasks, cold storage facilities para tiyakin ang bisa ng bakuna, at ang mismong bakunang kanilang itinurok nang libre sa 9,000 katao. Ang masayang bahagi pa nito, abot sa P20 milyon ang papremyong ipinamigay ng Pitmaster sa mga tumugon at nagpabakuna para sa kanilang proteksyon.

Mapapa-sana all ka na lang sa pangarap na lahat ng negosyante umiral ang puso at maging kaagapay ng ating gobyerno.

61

Related posts

Leave a Comment