MAG-INGAT SA SCAMMERS

At Your Service Ni Ka Francis

PAGDATING ng gadgets sa Pilipinas na may kasamang internet, kasabay nito ang kaliwa’t kanang pagkalat ng scams o scammers.

Iba’t ibang klaseng scam na ang ginagawa at tinawag na scammers ang nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

Tulad halimbawa ang scammers na nagpapanggap na mga empleyado sila ng Bureau of Customs, na gagamit ng pangalan na nakabase sa opisinang ito.

Gamit ang kanilang cellphone at laptop, maghahanap sila ng kanilang mabibiktima at magpapakilala na isa siyang empleyado ng Customs at sasabihin sa kanyang kausap na may balikbayan box ito na nakabinbin sa nabanggit na tanggapan ng pamahalaan.

Kung gusto ng biktima na makuha n’ya ang balikbayan box sa Customs, kailangang bayaran n’ya ang bayarin sa duties and taxes nito.

Magsasabi ang scammer sa kanyang bibiktimahin kung saan niya babayaran ang duties and taxes ng balikbayan box, at kung kanino iaaddress ang pera.

Sa sandaling naihulog na ang pera ng biktima sa scammer ay hindi na n’ya ito makokontak sa cellphone number kung saan sila nag-usap.

Naglipana rin ngayon ang panloloko sa raffle promo sa social media.

Nariyan ang raffle promo ng mga sasakyan, bahay at iba pa.

Sa halagang P150 hanggang P500 bawat isang ticket ay mananalo ka ng sasakyan at house and lot.

Una ay gagawa ng Facebook page ang scammer at doon siya mag-a-upload ng kunwaring mga nakaraan n’yang raffle promo na kung saan ay magpapakita siya ng mga tao na nanalo sa raffle promo para makakumbinsi ng mga sasali sa kanyang raket.

Maglalagay siya ng mga number na may taya na at bakante at kapag makumpleto ito ay maumpisahan na ang raffle.

Magtatakda siya ng petsa ng raffle at pagdating sa petsa na ‘yan para sa bolahan ay walang magaganap na raffle at biglang mawawala ang FB page kung saan sinabi na doon gagawin ang online raffle.

Bukod dito, mayroon ding iba’t ibang klaseng scams, ang mga ito ay kinabibilangan ng online shopping scam, online investment, online dating scam, phishing, at recruitment scam.

Para makaiwas na mabiktima ng iba’t ibang scam na ito ay mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga tao.

‘Wag basta maniniwala sa matatamis na mga salita mula sa mga tao na hindi kakilala.

Iwasan din maghangad ng biglaang malaking kita ng pera upang hindi mabiktima ng scammer.

Paboritong biktimahin ng mga scammer ay ang mga tao na gustong kumita ng malaking pera sa mabilis na paraan.

40

Related posts

Leave a Comment