MASTERMIND SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO, ISANG TAO LANG?

BALYADOR ni RONALD BULA

ISA lang ang nasa likod ng lahat ng kaso ng nawawalang mga sabungero.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director BGen. Romeo Caramat sa kanyang muling pagtungo sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Caramat, sa sandaling mahuli na ang mga suspek sa kaso ng nawawalang mga sabungero ay masisiwalat na ang mga utak sa likod ng pagkawala ng mga biktima.

Puspusan aniya ngayon ang pagkilos ng tracker teams ng PNP-CIDG para matunton ang mga sangkot sa kaso.

Kinumpirma naman ng isa sa mga testigo at ama ng isang nawawalang sabungero na si Butch Inonog, na ang mga suspek na hinahanap ay ang roving security at chief security ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Samantala, muling ipinagpatuloy ng Department of Justice (DOJ) at Task Force Sabungero ang case conference sa kaso ng nawawalang mga sabungero.

Humarap din sa case conference ang kaanak ng dinukot na mga sabungero gayundin ang mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Tiniyak naman ni General Caramat na nakatutok sila sa paghuli sa mga suspek na may warrant of arrest.

May lead na rin aniya ang PNP sa utak sa mga pagdukot at nangangalap pa sila ng karagdagang mga ebidensya para matiyak na hindi mababasura ang ihahain nilang kaso.

Hinahanap na rin ng mga awtoridad ang ilang security guard at chief security ni Charlie Atong Ang.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga kaanak ng nawawalang mga sabungero.

Subaybayan natin!

288

Related posts

Leave a Comment