MEDICAL MISSION NI DR. MONTE TOLENTINO, TULOY-TULOY

TARGET NI KA REX CAYANONG

HINDI maitatanggi na tuloy-tuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa October 30, 2023.

Aba’y katunayan, nasa halos 100 porsyento na silang handa para sa halalan.

Sabi nga ni Comelec Chairperson George Garcia, 86.59 percent na ng mga balota para sa regular voters ang naimprenta nila. Sinasabing 90.62 percent naman ang naimprenta para sa SK voters.

Asahan na raw na matatapos ang printing ng mga balota sa katapusan ng Pebrero. Hindi naman daw kinakapos ang ahensya. Mayroon pa silang savings. Savings at iba pa nilang pondo ang gagamitin nila.

Well, tama nga naman si Garcia, dahil nabigyan sila ng dagdag na badyet para sa eleksiyon. Ngunit umaasa siyang madaragdagan pa ang kanilang pondo.

Ayon kay Garcia, susubukan nilang humingi ng additional funds sa Kongreso, depende kung kakailanganin pa nila.

Nagkaroon nga naman ng 1.6 milyon na karagdagang voters na nagparehistro mula noong December 2022 hanggang nitong January 2023.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa P8.44 bilyon ang pondo para sa BSKE. Nakasalalay naman sa ating mga kamay ang magiging kapalaran ng mga kandidato. Kaya maging wais sa pagpili ng mga kandidato.

Piliin ang kagaya ni Dr. Monte Tolentino, SK Chairman ng Brgy. San Jose, Antipolo City.

Si Dr. Monte ay hinog na para maging tserman ng kanilang barangay. Nais kasi ng mga taga-San Jose na tumakbo siya sa pagka-barangay head. Bata pa lamang Dr. Monte ay mulat na ito sa public service.

“Good news! Successful po ang ginanap na medical mission sa Sitio Hinapao. Bilang isang doktor, hangad ko pong healthy tayong lahat. Kaya naman, laking tuwa ko nang mapili ng Fraternal Order of Eagles, sa pamumuno ni Kuya Nelson Sarapuddin (Eagle NP), na magsagawa ng medical mission sa ating barangay,” wika ni Dr. Monte.

Sinabi pa ni Tolentino na “tampok sa activity ang free medical consultation at libreng gamot.”

Kaya naman, saludo siya sa mga nakiisang volunteers at health professionals sa nasabing aktibidad.

Mabuhay po kayo at God bless!

132

Related posts

Leave a Comment