MODERN PIRATES, MODERN CONQUEROR

SA inaasta ng China sa South China Sea, wala silang ipinagkaiba sa mga pirata. Modern Pirates nga lang dahil armado sila ng mga sopistikadong kagamitang pandigma.

Yung mga napapanood natin o nababasa natin tungkol sa mga pirata sa karagatan noong unang panahon ay mga maglalayag lang ang kanilang pinagnanakawan. Nagkaroon ng sequel, ­naghuhunting sila ng mga barkong lumubog para kunin ang mga ginto pati na ang sumadsad sa isang isla.

Hanggang ngayon ay may mga pirata at ang pinakahuli nga ay yung mga Somali Pirates na ­inaagaw ang barko sa gitna ng karagatan at ipinapatubos sa may-ari at bansang pinanggalingan ng mga barkong kanilang inagaw.

Buti naman at tumigil na ang mga pirata mula sa Somalia dahil nagtulungan ang mga bansang apektado tulad ng Amerika kaya wala na tayong naririnig ngayon na may mga inaagaw pa ring mga barko ang mga notorious na Somali Pirate.

Pero mas matindi ang ­problemang kinakaharap ng mundo sa China na gustong kontrolin ang South China Sea at maging ang East China Sea kaya binu-bully ang mga bansang nasa paligid ng mga karagatang ito kasama na ang Pilipinas.

Matatawag na pamimirata ang ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) dahil ninanakawan nila ang mga Filipino sa yaman ng karagatang ito na teritoryo ng Pilipinas.

Hindi man ginto ang inaagaw ng mga mangingisdang Chinese sa WPS, kundi mga Isda, mas mahalaga ito kesa sa mga ginto dahil pagkain ito na kailangan ng mga tao.

Mas mahalaga rin kesa sa ginto ang langis na isa sa target ng China sa WPS kaya harap-harapan nilang inaagaw sa atin ang ating teritoryo dahil alam nila na hindi papalag ang mga lider ng ating bansa.

Baka nga nagsimula na silang mag-uwi ng langis sa China na hindi natin alam dahil wala naman tayong kakayahan na alamin kung ano ang kanilang ginagawa sa mga pasilidad na itinayo nila sa loob ng ating teritoryo.

Hindi rin naman tayo ­tinutulungan ng Amerika para mabawi ang ating teritoryo dahil saka lang sila tutulong kapag nagkagera dahil yan lang ang nakasulat sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US. ­Modern conqueror din pala sina ano?

Ngayon mas lalong paiigtingin ng China ang kanilang pamimirata sa South China at East China Sea dahil sa batas na ipinasa nila kaya magbibigay pahintulot sa kanilang Coast Guard na barilin ang mga foreign vessels na papasok sa kanilang inaangking teritoryo.

Magiging madugo ito para sa ating mga kababayang ­mangingisda sa loob ng ating teritoryo dahil maaari silang barilin ng Chinese Coast Guard kapag nagtangka silang pumasok sa ­inaangking karagatan ng China.

Hindi ko maiwasang malungkot nang iutos ng Mayor ng Pag-Asa Island sa kaniyang mga kababayan na iwasan munang pumunta malapit sa sandbar para mangisda dahil nakatutok sa kanila ang napakalaking barko ng China.

Tayo pa ang umiiwas sa kanila gayung teritoryo natin ito at inagaw lang sa atin ng Modern Pirates at Modern Conqueror at wala tayong narinig na pagkondena sa Executive Department.

Kailangang linawin ang batas na ipinasa ng China dahil kung hindi ay tuluyan ng maaagaw ng bansang ito ang buong teritoryo ng Pilipinas sa karagatang ito at magugutom ang mga Filipino.

Lord Kayo na po ang bahala.

57

Related posts

Leave a Comment