NPC ELECTION TAGUMPAY

PUNA ni JOEL O. AMONGO

MAKALIPAS ang ilang taon, makaraan ang pananalasa ng pandemic ng COVID-19, ay muli na namang bumabalik ang dating sigla ng National Press Club (NPC).

Nitong nakaraang Linggo, Mayo 5, 2024 ay muling isinagawa ang NPC Election, mahigit sa dalawang daang miyembro nito mula sa iba’t ibang media outlets, ang bumoto.

Naging masaya ang halalan dahil nagkaroon ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Leonel “Boying” Magistrado Abasola at Joey Venancio.

Wala namang naging katunggali sina Vice President Benny Antiporda, Secretary Kristina “Tina” Maralit, Treasurer Mina Auer Diaz-Navarro, at Auditor Lydia Bueno.

Kabilang sa mga nagwagi at manunungkulan sa NPC sa taong 2024 hanggang 2026 para sa dalawang taong termino nila ay sina Boying Abasola, bilang President; Benny Antiporda, Vice President; Secretary Tina Maralit; Treasurer Mina Navarro; at Auditor Lydia Bueno.

Binubuo naman ang mga bagong halal na Board of Directors nina Aya Yupangco, Alvin Murcia, Benedict Abaygar Jr., Gina Mape, Jeany Lacorte, Madz Arrieta Dominguez, Jun Mendoza, Dennis Napule, Eduardo Jay Reyes Jr., at Atty. Ferdinand Topacio.

Kapuna-PUNA na karamihan sa nanalong mga miyembro ng Board of Directors ay kasama sa Press Freedom Party ni Boying Abasola.

Sina Mape at Topacio lamang ang nakapasok bilang independent na nakakuha ng pang-4 at pang-10 na pwesto kapalit nina Nats Taboy at Bobby Ricohermoso ng Press Freedom Party.

Bukod sa magandang labanan sa pagka-pangulo ay naging masaya rin ang labanan sa Board of Directors dahil may iba ring tumakbo dito tulad nina Irwin Corpuz at Arnel Petil.

Congratulations sa mga nanalo, sa mga hindi nanalo, takbo uli kayo sa susunod na election.

Inaasahang pagkalipas ng dalawang taon, ang 2026 NPC Election ay lalo pang magiging masaya dahil posibleng mas lalo pang darami ang kakandidato.

Mabuhay ang NPC! Mabuhay ang Philippine Media!

oOo

Para sa reaksyon at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

54

Related posts

Leave a Comment