OFWs sa Dubai, Kukumustahin ng Rapido!

RAPIDO NI TULFO

NOONG nakaraang taon, nagsimulang tutukan ng Rapido ang malalang problema ng ating kababayang OFWs sa bansang United Arab Emirates (UAE).

Ito ay ang mga bagaheng ipinadala nila para sa kanilang mga mahal sa buhay na dalawang taon nang hindi pa naide-deliver.

Sa pakikialam ng Rapido, napag-alaman natin na ang mga kumpanyang Allwin Cargo at CMG ang mga pangunahing kumpanya na nag-abandona ng mga container na ipinadala sa Pilipinas at hinayaan na lang na nakatengga sa Bureau of Customs kung saan ayaw bayaran ang nakatakdang taxes.

Sa pakikipagtulungan natin sa Bureau of Customs sa pangunguna ni BOC District Collector Romeo Rosales at sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP), sa pangunguna ni Mr. Joel Longares, nai-deliver ang halos lahat ng naabandonang mga bagahe.

Ngayong Biyernes, kasama ang presidente ng DDCAP at ang aking amang si Ramon Tulfo, nakatakdang bisitahin ng inyong lingkod ang mga kababayan natin sa Dubai, UAE.

Ito ay upang personal din nating makaharap ang mga taong lumapit sa atin noon, na sa Zoom lang natin nakakausap. Layunin ng inyong lingkod na kumustahin ang OFWs doon at pasalamatan sa kanilang pagtitiwalang ibinigay sa atin.

Hangarin kong maging maayos ang kalakaran ng mga cargo company sa UAE upang hindi na ito makadagdag pa sa stress ng ating mga kababayang nagtatrabaho doon.

81

Related posts

Leave a Comment