OLIGARKIYA NOON AT NGAYON PUNA

PUNA

SILA-SILA ang namamayagpag noon at ngayon. Ang ibig kong sabihin o ang tinutukoy ko ay ang mga oligarko o ­mayayamang tao at negosyante sa Pilipinas na bagaman iilan-ilan ay nagagawang kontrolin ang halos karamihan ng mga negosyo at kapangyarihan sa bansa.

Ang sila-silang tinutukoy natin ay ang mga pamilyang Ayala, Lopez, Pangilinan, at mga katulad nila.

Ang mga negosyanteng ito ay namamayagpag sa kanya-kanyang panahon o sa madaling salita ay may oras na kinakampihan sila ng nakaupo sa adminsitrasyon.

Noon, hindi natinag ang mga Ayala ng ­administrasyon nina dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III.

Sa panahon ng ­mag-inang Aquino, namayagpag at naging makapangyarihan ang mga Lopez. Noong simula pa lang nang panunungkulan ni Cory ay nabawi na ang mga kumpanyang dating sinequester ng pamahalaan.

Mula sa pagkabawi, hindi lang nakabangon ang mga Lopez subalit pinasok ng mga ito ang ilang mga kontratang hindi pumapabor sa pamahalaan subalit para lang sa kanilang mga kapakinabangan dahil batid nilang hindi sila tutumba sapagkat nasa likod nila ang mga namumuno sa pamahalaan lalo na ang noon na nasa Malacañang.

Subalit sa panahon ­ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte, madalas ay binabatikos ng pangulo ang isa sa mga pag-aaring ­kumpanya ng Lopez – ang ABS-CBN.

Noon pa man kahit panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, namamayagpag na ang pangalan ni Manny Pangilinan na may-ari ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT). Ang mga Ayala ay kilalang-kilala rin bilang mahuhusay na negosyante kung kaya’t marami silang mga ari-arian lalo na lupa at gusali.

Ngayon, kabilang pa rin sila sa mga prominenteng tao at negosyante sa bansa subalit dahil nabatid ng pangulo ang ilan sa mga kontratang pinasok nila ay nilamangan masyado ang gobyerno, hindi na iyon ­pinalampas ni Presidente Duterte kung kaya’t hinahamon ng ­pangulo ang mga negosyanteng ito na sagutin nila ang mga akusasyon laban sa kanila.

Kailangang patunayan ng mga oligarkong ito na wala silang ginagawang masama at hindi nila nilalamangan ang kanilang kapwa.

Kaso, masyadong ­malinaw pa ang mata at isip ng pangulo kung kaya’t batid nitong may mga kalokohang ginawa ang mga oligarkong ito bukod pa sa masyadong ginulangan ang pamahalaan.

Kaya naman hindi niya pinalampas ang mga ginawa ng mga ito sa kontrata sa pamahalaan, ipinabusising mabuti at saka ibinuking ang kalokohan ng mga bugok na negosyante na nais rin ­yatang pahirapan na mabuti ang mga mamamayan.

Pero kung mahusay ang serbisyo ng mga kumpanyang binabanatan ni Pangulong Duterte malamang ang mamamayan ay kakampi sa mga kumpanyang ito.

Kaya lang, tulad ni Pangulong Duterte, ang mamamayan ay hindi nasisiyahan at hindi masaya sa mga serbisyong kanilang ipinagkakaloob sa bayan.

Lamang, parang ang nais namang paboran ni Presidente Duterte ay kaibigan din niya na tulad ng ilang kumpanyang kanyang binabanatan ay hindi rin naman maganda ang serbisyong ­ibinibigay sa lugar na kanilang napagtayuan ng negosyo.

Yun nga lang sa pinakahuling survey, nangunguna na sa pinakamayamang tao sa Pilipinas si dating ­Senador Manny Villar at pumangalawa na lamang ang may-ari ng SM na si Henry Sy.

At para sa kaalaman ng nakararami, nakalulua po ang kanilang mga yaman.

-oOo-

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at ­operarioj45@gmail.com.

 

 

333

Related posts

Leave a Comment