PAG-ASANG DALA NG PAGBABALIK NG LIWANAG PARK

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO

NAGSIMULA na naman ang buwan ng Disyembre at abalang abala na ang lahat sa paghahanda para sa isa na namang pagdiriwang na talaga namang inaabangan nating lahat.

Bagama’t nakababahala ang mataas na inflation, nananatiling isa sa best performing economies ang Pilipinas sa Asia Pacific Region, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) at naniniwala ang ahensya na makatutulong ang panahon ng Kapaskuhan sa pagsigla ng ekonomiya.

Maraming Pilipino ang inaasahang magbabakasyon at bibili ng mga regalo, pagkain, at iba pang kagamitan. Talaga namang naglalaan ng panggastos kapag ganitong panahon dahil minsan lang naman ito sa isang taon at isa ito sa pinakaaabangang pagdiriwang kada taon.

Tiniyak din ng NEDA na hindi rin susuko ang economic team ng bansa upang makamit ang target na 6-7 porsiyentong economic growth ngayong taon.

‘Di man batid ng karamihan sa atin ito, tuloy naman tayo sa pagdiriwang ngayong huling buwan ng taon. Ilang taon din kasi natin ito hindi nagawa sa paraang gusto natin, kaya naman bawing-bawi kapag ganitong panahon.

Nagsusulputan na rin ang Christmas decorations at attractions sa iba’t ibang lugar na dinarayo ng mga tao bilang bahagi ng mga nakasanayan nang gawin tuwing panahon ng Pasko.

Ngayong taon nga, muling binuksan ng Meralco sa publiko ang Liwanag Park upang magdala ng saya sa mga Pilipinong sabik magdiwang ng Pasko.

Isa sa mga dinarayo ang lugar ng mga namamasyal bago pa man nagkaroon ng pandemya kaya ang muling pagbubukas nito ay nagdadala ng dagdag na pag-asa na tuluy-tuloy na ang ating pagbangon.

Tampok sa Meralco Liwanag Park ang makukulay na mga ilaw, isang higanteng parol na may 60 na talampakan, tradisyunal na Belen, at Christmas Tree.

May mga tunnel of lights din, at ang isa sa pinaka-nakakaaliw para sa mga bisita ang ride na sumisimbolo ng dating tranvia, o ang streetcar system sa Maynila na dating pinapatakbo ng Meralco bago mag-World War II.

Magandang bisitahin talaga ang atraksyong ito, dahil mayroon pang bazaar at food stalls kung saan maaaring magsalo-salo ang mga magkakapamilya at magkakaibigan at kumain ng mga ihaw-ihaw, street foods at ang Christmas staples na gaya ng puto bumbong at bibingka.

Matatagpuan ang Liwanag Park sa loob ng Meralco Operating Center sa Ortigas, Pasig City. Bukas ito sa publiko hanggang Enero 6, 2024 mula 6 p.m. hanggang 10 p.m., Lunes hanggang Huwebes at tuwing 6 p.m. hanggang 11 p.m. naman tuwing Biyernes hanggang Linggo, pati na rin sa idineklarang mga holiday.

Ayon kay Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, makabuluhan ang pagbubukas ng Liwanag Park dahil sumisimbolo ito ng pag-asa.

Dagdag pa niya, ang magandang performance ng Meralco ay nagsisilbing inspirasyon na tumulong sa marami pang mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF), patuloy na isinasabuhay ng kumpanya ang kultura ng malasakit sa pamamagitan ng mga programang nakatutulong sa mga komunidad sa loob at labas ng franchise area ng Meralco.

Bilang bahagi ng pagbubukas ng Liwanag Park, patuloy ang pagbibigay liwanag ng OMF sa mga nangangailangan sa ilalim ng programang Project Liwanag PH. Kamakailan, binigyan ng Foundation ng serbisyo ng kuryente gamit ang solar power, ang coffee processing machine ng isang farming community sa Bukidnon.

Bahagi ito ng commitment ng Meralco bilang kaisa ng pamahalaan sa nation-building.

114

Related posts

Leave a Comment