PAMAMAHAGI NG AYUDA NI VP SARA, TULOY-TULOY

TARGET NI KA REX CAYANONG
Halos walang tigil sa pamamahagi ng ayuda si Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa mga pinakahuling nabiyayaan ay ang libo-libong residente na naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique.

Sinasabing kasabay ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), namigay din ang Office of the Vice President (OVP) ng Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) food boxes sa 1,200 na apektadong residente sa mga barangay ng Seminara, Tinogboc, Alegria, Sibolo, at Sitio Liwagao.

Ang mga apektaro raw pala ay nasa mahigit 7,617 pamilya o 25,733 na indibidwal, kasama ang 450 seaweed planters at 3,649 mangingisda.

Kung maaalala, isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Caluya. Dinalaw din ni Inday Sara ang Caticlan Elementary School sa Malay, Aklan. Personal niyang kinumusta ang mga mag-aaral at mga guro roon.

Ipinakilala niya sa mga estudyante ang PagbaBAGo campaign ng OVP kung saan 350 estudyante mula sa Grades 1 hanggang Grade 3 ang nakatanggap ng bags na naglalaman ng school supplies at dental kits.

Sa totoo lang, kaakibat dito ang mensahe ng responsible parenthood para naman sa mga magulang. Well, sa ganitong paraan nga naman ay mapaghahandaan nila ang kinabukasan ng kanilang anak, kabilang ang pagtiyak na makapag-aaral sila.

Kahit saang sulok ng bansa, umuulan ng biyaya o tulong mula sa OVP.

“Mahigit 1,000 mag-aaral sa iba’t ibang barangay ng probinsya ng Antique ang nakatanggap ng ating PagbaBAGo bags,” pagmamalaki ni VP Sara. “Tulad ng mga naunang PagbaBAGo distribution, ibinahagi natin sa mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagkakaroon ng determinasyong makatapos ng pag-aaral ang magiging susi nila upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.”

Maliban dito, nakipag-diyalogo rin si Inday Sara sa mga guro upang pakinggan at tugunan ang kanilang mga hinaing sa sektor ng edukasyon. Kamakailan naman, dumalo si VP Sara sa Kabankalan City 116th Founding Anniversary at Tourism Recovery Jumpstart sa City Public Plaza sa nasabing lungsod.

Sinabi ni VP Sara na kapuri-puri ang lungsod ng Kabankalan sa plano nitong mas palaguin pa ang turismo na magiging tulay tungo sa pagpapahusay sa international standing nito sa global tourism circuit ng ating bansa, “hindi lamang bilang isang Southeast Asian tourism node, kundi bilang isang masigla, matatag at mapayapang bansa.”

Nagpahayag din ang bise-presidente na laging handang tumulong ang OVP sa lungsod ng Kabankalan sa Negros Occidental lalo na sa sa mga proyektong pangkapayapaan at entrepreneurship tulad ng Peace 911 at Magnegosyo ‘Ta Day.

Mabuhay po kayo, VP Inday Sara, at Mabuhay po kayo!

122

Related posts

Leave a Comment