SOLAR-POWERED TOLL PLAZA DINAGDAGAN SA NLEX-SCTEX

UPANG mapataas ang kanilang sustainability effort ay dinagdagan ng NLEX Corporation ang mga ikinabit na solar panel sa 36 pang toll plaza ng NLEX-SCTEX.

Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay nagkabit ng monocrystalline solar panels sa 21 NLEX toll plaza at 15 toll plaza naman sa SCTEX, na gagamit ng elektrisidad mula sa sikat ng araw na magko-convert sa kuryente sa pamamagitan ng photovoltaic cells o solar cells.

Kabilang sa mga lugar na lalagyan ng solar panel ang mga toll plaza sa Mindanao, Karuhatan, Paso de Blas, Marilao, Ciudad de Victoria/Philippine Arena, Bocaue, Tambubong, Balagtas, Tabang, Sta. Rita, Pulilan, San Simon, San Fernando, Dau, Sta. Ines, Mabiga, Dolores, Clark South, Clark North, Porac, Floridablanca, Dinalupihan, Tipo, SFEX, Concepcion, San Miguel, Hacienda Luisita, at Tarlac.

“Bahagi ng aming mga estratehikong prayoridad ang patuloy na pagsasama ng renewable energy sa aming mga operasyon. This way, we can drive
operational efficiency while being environmentally responsible and creating positive impact for our stakeholders,” sabi ni NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi L. Bautista.
Inaasahang matatapos sa loob ng taong ito, ang proyekto ng solar power ay naglalayon na bawasan ang mga carbon emissions at mag-ambag sa mas malinis na hangin sa kahabaan ng expressway at pahusayin ang energy efficiency.

Ito ay tinatayang gagawa ng 22,762 kWh ng kuryente kada buwan sa NLEX at 13,961 kWh ng kuryente kada buwan sa SCTEX.

Nabatid na ito ay karagdagan sa mga kasalukuyang expressway na ngayon ay solar-powered na gaya ng Balintawak Barrier, Bocaue Barrier, Mexico Toll Plaza, Angeles Toll Plaza, San Fernando Southbound Toll Plaza, at Karuhatan Interchange Toll Plaza, at Meycauayan Southbound Toll Plaza.

Ang NLEX ay naghihikayat ng green practices at nakasusunod sa mga responsibilidad sa kapaligiran bilang isang ISO 14001:2015 (Environmental Management System) certified company.
Mula noon ay isinama na ng kumpanya ang sustainable energy sa pamamagitan ng solar-powered closed-circuit television (CCTV) camera at roadway lighting.

Naglagay rin ito ng motion-sensor lights sa mga opisina nito sa Caloocan City, Valenzuela City, Bulacan, at Pampanga.

Ang mga pagsisikap na ito sa kapaligiran ay naaayon din sa pangako ng buong Metro Pacific Group na tulungan ang Pilipinas na makamit ang United Nations Sustainable Development Goals partikular na ang UNSDG 7 (Affordable and Clean Energy) at UNSDG 13 (Climate Action).

231

Related posts

Leave a Comment