PARA SA MGA GALIT KAY DUTERTE

FOR THE FLAG

Ang ating pitak ngayon ay pagsi-share ko ng isang mensahe na pinraybeyt message sa akin ng isang kaibigan. Medyo naaliw ako kaya aking ishi-share ngayon sa inyo sa pag-aakalang maaaliw din kayo. Heto:

“Sa mga galit kay Duterte, gawin n’yo ang mga sumusunod:

  1. Kung may driver’s license kayo, at magre-renew kayo, huwag kayong papayag na 5 years ang expiration ng lisensya n’yo. Sabihin n’yo sa LTO na 3 yrs. lang ang gusto n’yo dahil galit kayo kay Duterte!
  2. Kung passport holder kayo, sabihin n’yo sa Department of Foreign Affairs na 5yrs lang dapat ma-expire na ang passport n’yo, kasi, ginawa nang 10 years ang expiration nito ni Duterte!
  3. Huwag na kayong pumunta at maligo sa Boracay ngayong malinis na ito dahil si Duterte ang may pakana nito! At pilit hinarangan ng iba ang pagsasara upang linisin ito at may hallucina­tion pa silang pagtatayu­an lang ito ng casino! Nga­yong pinabuksan na ulit, may casino ba?
  4. Kung maospital kayo o mga kamag-anak n’yo, kahit libre na, magbayad kayo ha? Kasi si Duterte din ang nagpapalibre nito e! Ipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong sa pamamagitan ng pagbayad sa libreng hospitalization!
  5. Huwag kayong gumamit o dumaan, pumunta sa mga integrated terminals, airports, highways, bridges na gawa na at mga proyektong hindi natapos ng nagdaang administration na ipinagpatuloy ni Duterte! Ipakita n’yo na ayaw n’yong gumamit sa proyektong n’ya dahil galit nga kayo sa kanya, e!
  6. Kayong mga kaba-taan na gustong mag-aral ng kolehiyo sa mga State Universities and Colleges, magbayad kayo ng tuition ny’o ha? Kasi, pinalibre na ni Duterte ito e.
  7. Kung OFW kayo, huwag kayong gumamit sa one-shop ng mga government offices kung saan iisang lugar na lang ang pupuntahan n’yo para i-process ‘yung mga papeles n’yo. Ipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong sa pamamagitan ng pagpunta n’yo sa iba’t ibang lugar ng mga ahensyang pagkukuhanan n’yo ng mga papeles n’yo, ha?
  8. Kayong mga prog-resibong grupo, huwag ka­yong tumira sa mga pabahay at sa mga lupang ipinamamahagi nang libre ni Duterte, bayaran n’yo ‘yun upang maipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong!
  9. Kung may kalamidad na dumaan sa bayan n’yo, huwag kayong humingi ng tulong mula sa gobyerno dahil si Duterte pa ang nakaupo ngayon. Hintayin n’yong matapos na ang  kanyang termino saka kayo humingi ng tulong para maipakita n’yo rin ang galit n’yo kay Duterte!
  10. Kayong mga addict, sige, ipagpatuloy n’yo lang iyan. Magpakalulong pa kayo! Kung mahuli kayo, please, manlaban kayo kasi si Duterte ang tanging presidente na nakipagdigma laban sa droga. Labanan n’yo! Ipakita n’yo rin ang galit sa kanya! Sabihin n’yo sa kanya na gusto n’yo nang mawasak ang buhay at pamilya n’yo! Manlaban kayo, tutal, malawak pa naman ang sementeryo!
  11. Kung kailangan n’yo ng tulong, huwag kayong tumawag gamit ang 911 at 8888. Kasi pakana din ito ni Digong, gamitin n’yo ‘yung ibang mabagal na linya at action!
  12. Huwag kayong magpapadisiplina kay Digong. Mag-istambay kayo sa mga kantong nakahubad at naninigarilyo sa mataong lugar. Hayaan n’yo lang kung may mang-snatch, mang-rape at pumatay, mangholdap, maraming kabataan sa lansangan na nagra-rugby. Ipakita n’yong ayaw n’yo ng pagbabago at gusto n’yo itong dating gawi!

Marami pa sana akong gustong sabihin sa inyo kaya lang, ang haba pa e. Marami na kasing nagawa si Duterte sa bansa sa loob lang ng dalawang taon na pagsisilbi! (For the Flag / ED CORDEVILLA)

5

Related posts

Leave a Comment