Idineklara ng Marcos administration na mananatili sa “neutral” foreign policy ang Pilipinas, hindi kakampi sa United States at hindi rin tataliwas sa China sa gitna ng tumataas na tensyon ng dalawang bansa.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ambassador na mag-secure pa ng mas maraming non-traditional partnership tungkol sa trade, security, at defense sa ibang bansa upang makatulong sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng PIlipinas. Noong Enero, idiniin ng pangulo sa World Economic Forum nais n’ya lamang matupad ang national interest ng Pilipinas.
Sa kabila ng pag-amin na hindi tataliwas sa China, hindi pa rin uurong ang Pilipinas tungkol sa aggressive actions ng Beijing sa West Philippine Sea at sa pagbuo ng mas matibay na defense ties sa pagitan ng Manila at Washington.
Ang prayoridad ng administrasyon ay ang pagbangon ng ekonomiya habang bumubuo ng matibay na relasyon sa ibang bansa at pagprotekta ng teritoryo mula sa China.
Maiisip na sumasalungat ang sinasabing neutral foreign policy ng pangulo sa mga desisyon at aksyon n’ya na gumawa ng non-traditional partnership sa ibang bansa tungkol sa trading, security, at defense. Mahihinuha na siya ay naghahanda sa mga posibleng aksyon ng China tungkol sa pag-claim ng teritoryo sa West Philippine Sea habang nagme-maintain ng mabuting relasyon sa nasabing bansa upang maiwasan ang pagdeklara ng giyera sa Pilipinas.
Base sa kasalukuyang status ng depensa ng bansa, isa itong wais na desisyon upang maging handa at maiwasan ang ‘head on’ na pwersa ng mga superpower at hindi mawala ang iniingatang teritoryo ng bansa.
340